Baron Geisler gets himself into trouble again

IMAGE 0


Young actor Baron Geisler was not able to attend the press con of his new show on ABS-CBN, May Minamahal. He is reportedly still recuperating from an injury he sustained from bar brawl in Pampanga.



Hindi sumipot ang young actor na si Baron Geisler sa press conference ng bagong Sine Serye ng ABS-CBN na May Minamahal kahapon, May 25. Kapatid ni Anne Curtis ang role dito ni Baron, na unang ginampanan sa pelikula ni John Estrada.

Dahil sa hindi niya pagsipot sa press con, umugong tuloy ang spekulasyon na posibleng sadyang hindi dumating si Baron upang makaiwas sa mga tanong tungkol sa pinakabagong gulo na kinasangkutan niya.

Last Monday, May 21, nakatanggap ang The Buzz ng text mula sa ex-girlfriend ni Baron na si Tara Tambunting. Ayon kay Tara, nasangkot daw si Baron sa isang gulo sa Pampanga, na nag-iwan ng malaking pinsala sa mukha ng young actor. May malaking sugat si Baron sa kaliwang pisngi dulot diumano ng basag na bote.

Sa trailer ng May Minamahal na ipinakita sa entertainment press, makikita sa mga eksena niya na may benda sa kaliwang pisngi si Baron. Sariwa pa marahil ang sugat na natamo ni Baron mula sa gulong kinasangkutan niya kaya hindi na naalis ang benda.

Diumano, napagtripan si Baron ng mga umiinom sa bar na pinuntahan niya. Pero may mga alingasngas din na si Baron daw ang nagsimula ng gulo.



Two weeks ago, kausap pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa story conference ng May Minamahal. Masayang-masaya pa siya dahil may bago siyang trabaho sa ABS-CBN. Magiging busy na raw siya with his work at walang dahilan para ma-depress ulit siya.



"Now, you know, I'm gonna prove them wrong. I'll take care of my blessings this time," sabi ni Baron nang huli naming siyang nakausap.

Pahayag pa ni Baron na masyado lang siyang nagiging masaya, but he's not an alcoholic. He's trying his best daw na huwag magkalat ulit kasi nahihiya siya sa pamilya niya.

"I'll try my best to behave and be a good guy," sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero makalipas lamang ang ilang linggo ay panibagong gulo na naman ang kinasangkutan ng young actor. Wala pang pahayag si Baron tungkol sa insidenteng ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN