Ai-Ai delas Alas proud of her new body courtesy of smart lipo

IMAGE 0


"Ngayon high-tech na, laser na ang ginagamit habang tulog ako. At mas mabilis ‘yong recovery. ‘Yong huling lipo ko, ‘eto na ang effect—36 ½-28-371/2!" says Ai-Ai delas Alas about smart lipo.


Seksing-sexy in her red dress na dumating sa Belo press con kaninang tanghali, May 28, ang bago nilang smart lipo image model na si Ai-Ai delas Alas. Nakadalawang traditional lipo na si Ai-Ai kay Dra. Vicki Belo, samantalang ‘yong pangatlo at huli ay smart lipo na ginawa niya noong August 2006.



"Ngayon high-tech na, laser na ang ginagamit habang tulog ako. At mas mabilis ‘yong recovery. ‘Yong huling lipo ko, ‘eto na ang effect—36 ½-28-371/2!" pagmamalaki ni Ai-Ai.



Isa sa mga naunang celebrity endorser ng Belo si Ai-Ai, along with former sexy star Rosanna Roces. Saka sumunod sa kanila si Lorna Tolentino.



Speaking of Rosanna, ipinakita rin ng dating sexy star/TV host ang bagong hubog niyang katawan sa The Buzz kahapon. Sad to say, hindi nakita ni Ai-Ai ang bagong katawan ni Osang.



"Alam mo, nakakatawa nga, e. Kahit noon pa, hindi talaga kami nagkikita. Walang pagkakataon na nangyari para magkita kami. Nakikita ko lang siya sa TV," banggit ni Ai-Ai.



After more than six years, hindi pa rin nagkakaroon ng closure ang gap nila noon ng dati niyang kaibigan na si Osang.



"In due time siguro. Hindi pa rin siguro time para magkita kami," aniya.

Nakatakdang umalis sa Thursday, May 31, papuntang United States si Ai-Ai para sa series of concerts nila ni Ogie Alcasid. July 5 na ang balik niya at agad niyang sisimulan ang shooting ng movie niya with Wenn Deramas na Pasukob, kung saan kasama rin si Rufa Mae Quinto.



Nabanggit din ni Ai-Ai na susunod si Regine Velasquez sa US para makasama ang kanyang boyfriend na si Ogie sa shows nila sa San Francisco at Chicago.



Samantala, bago umalis ng bansa ay in-enroll muna ni Ai-Ai ang panganay na anak na si Sancho sa University of Sto. Tomas para kumuha ng Advertising course. Dito raw mas gustong mag-college ni Sancho kesa sa pinanggalingan nitong eskuwelahan na De La Salle University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagpunta ni Ai-Ai sa US ay magkikita sila doon ng dati niyang live-in partner na si Miguel Vera, na naka-based na sa Los Angeles. Si Miguel ang ama ng mga anak nina Sofia at Piccolo.



Biro namin kay Ai-Ai, baka ma-in love ulit sa kanya si Miguel kapag nakita niya kung gaano siya kaseksi ngayon.

"Ngeek!" tili ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN