Ruffa Gutierrez versus Dolly Anne Carvajal: worsening feud?

IMAGE 0


Journalist Dolly Anne Carvajal, daughter of the late Inday Badiday, tells beauty queen-actress Ruffa Gutierrez not to drag her mom into the issue.


Hindi maganda ang naging reakisyon ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal nang mapanood niya ang interview ni Ruffa Gutierrez noong May 28 sa 24 Oras ng GMA-7.

Sa nasabing interview, sinabi ni Ruffa kung gaano siya kadismayado sa sinulat ni Dolly Anne tungkol sa kanyang asawa na si Yilmaz Bektas. Kasi, sa column ni Dolly Anne sa Philippine Daily Inquirer, sinabi nitong nalathala sa Turkey na isa diumanong anak ng isang "drug smuggler" ang ikinasal sa isang famous Filipina movie star. Sina Yilmaz at Ruffa diumano ang tinutukoy ng nasabing artikulo.

Depensa ni Dolly Ann, in-email lang daw sa kanya ang artikulo na nakasulat pa sa salitang Turkish at hindi niya raw ito gawa-gawa. Dahil nagtapos ng kursong Linguistics si Dolly Anne, na-translate niya ito. Nagulat nga raw siya sa kanyang nabasa.

"It's in the Turkish newspaper," paglilinaw ni Dolly Anne. "Gusto ko lang iklaro, hindi ako ang may gawa nun. Kahit itanong nyo pa sa kahit sinong Turkish-speaking individual. Dapat siguro ‘yong newspaper sa Turkey ang balikan ni Ruffa, hindi ako dahil sila ang nagsulat nun.

"At saka dun sa sinabi niyang poor journalism, e, na-translate ko nga, e, paanong poor journalism ‘yon? Kung sasabihin niyang pangit ako magdamit, maniniwala ako dahil beauty queen siya at fashion expert. Pero ibang usapan na ito dahil writing na ang pinag-uusapan," paliwanag pa ng anak ng yumaong si Inday Badiday.

Dagdag pa ni Dolly Ann, obvious daw na hindi nabasa ni Ruffa ang sinulat niya. Dahil kung nabasa daw ni Ruffa ang kabuuan ng artikulo, maaaring hindi ito nag-react ng ganoon.

Nilinaw rin ni Dolly Anne na wala siyang galit kay Ruffa at wala siyang planong siraan ang pagkatao nito.

Patanong din daw ang kanyang pagkakasulat at binigyan niya rin daw ng espasyo sa kanyang column ang kampo ng kanyang isinulat para magbigay ng reaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The ball is in their court to explain," sabi ni Dolly Ann.

Ang hindi raw matanggap ni Dolly Ann ay ang komento ni Ruffa na malayong-malayo raw siya sa ugali ng kanyang namayapang ina na si Ate Luds pagdating sa pagiging respectable.

"Show me naman a little respect," hinaing ni Dolly Anne. "Why drag my Mom into this? Let's stick to the issue. Uncalled for ‘yong sinabi niya that I'm not respectable. I know Inday Badiday is irreplaceable. Icon ‘yon, e. Pero I know my Mom would not be happy with that kind of comment.

"Ruffa and I are not really close, pero sila ni Mommy close. Ninang nga niya sa kasal ‘yon, di ba? Give me a little respect dahil I know maganda naman ang pagpapalaki ni Mommy sa akin," depensa pa ni Dolly Ann.

Kahapon, May 29, lumabas naman sa column ni Dolly Anne sa Inquirer ang isang impormasyon mula sa isang reader. Nagpadala ito diumano ng mga link sa mga web addresses kung saan makikita ang ilang records ng kasal. Ayon sa link, isang Richard Daloia ang ikinasal sa isang Sharmaine Gutierrez noong January 18, 1999 sa Las Vegas, Nevada. Sharmaine Ruffa Gutierrez ang buong pangalan ni Ruffa

"Kapag na-trace mo ‘yong parents ng Sharmaine, lalabas Eduardo at Annabelle Gutierrez, kaya mapapaisip ka kung si Ruffa nga ba talaga ‘yon," sabi ni Dolly Anne.

"As a journalist, my readers ask questions, I have to find answers. I'm just a medium. Sana naman huwag masamain ni Ruffa because records don't lie."

Sa phone interview naman ni Ruffa sa GMA News noong May 25, sinabi nitong wala raw siyang reaksiyon tungkol sa pagpapakasal niya diumano sa Las Vegas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN