Direk Joey Reyes lambasts "Pinoy Big Brother" season 2

IMAGE 0


"Too much commercialism na ang nangyayari. Ini-inject na nga ang mga produktong ini-endorse sa mismong show, wala pang koneksiyon talaga sa kung ano ba talaga ang main objective ng palabas na 'yan. Naghahasik na lang sila ng kabobohan!" says Direk Joey Reyes about Pinoy Big Brother Season 2.



Lumabas ang isang mahabang artikulong pumupuna sa nilalaman—o kawalan nito—ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 na isinulat ng award-winning director na si Jose Javier Reyes at nailathala sa isang kilalang broadsheet. Ayon kay Direk Joey, wala naman daw pamemersonal ang pamumuna niya sa reality show ng ABS-CBN.



Naniniwala si Direk Joey na kung gaya niyang identified din sa Dos ang sumulat nito, mas paniniwalaan ng mga mambabasa. Kasi nga, kung mismong Kapamilya na raw ang nagsulat, mahirap na basta pagdudahan ang motibo ng writer.

Dapat daw ay ipinapakita ng housemates kung paano sila humarap sa mga pagsubok. If under pressure, paano sila magre-react at kikilos, depende sa sitwasyon.



"But they are not being given opportunities to show their real selves. Paano mangyayari 'yon kung puro kabulastugan ang ipinapagawa sa kanila, gaya ng pagluluto ng banana cue? Ano 'yon?" sabi ni Direk Joey.



Halatang pinapanood ni Direk Joey ang show kaya may karapatan talaga siyang mamuna. Gaya na lang nang ang mga housemate daw ay pagsuutin ng Spider-Man costumes. May time na Pirates of the Caribbean naman daw ang ipinu-promote sa show.



"Too much commercialism na ang nangyayari," sabi ng direktor. "Ini-inject na nga ang mga produktong ini-endorse sa mismong show, wala pang koneksiyon talaga sa kung ano ba talaga ang main objective ng palabas na 'yan. Naghahasik na lang sila ng kobobohan!"



Among the PBB Season 2 housemates, ang nagustuhan daw ni Direk Joey ay si Mickey Perz dahil ito raw ang nagpapakita ng totoo sa sarili. Si Mickey 'yong lumabas noong una na Swiss boy na hindi nakakaintindi ng Tagalog.

Halos lait-laitin naman ni Direk si Nel Rapiz, ang housemate na wala raw ginawa kung hindi umiyak. At may feeling artista na nga ito na naghahanap ng anggulo at ng kamerang puwedeng pag-emote-an.



"'Yong Nel ang hindi ko maitindihan kung ano ang drama. He's becoming such a media-whore. 'Yong pumasok na Slovanian [Tina Semolic] sa Bahay ni Kuya, pinalabas na siya ang type. Ano 'yon? Feeling ng babae, isa itong tarsier na puwede niyang iuwi sa bansa nila?" walang takot na sabi ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Iyong drama naman daw nina Bruce Quebral at Wendy Valdez ang talagang nakakasuka, ayon kay Direk Joey. Iyak daw nang iyak si Bruce sa pagkaka-evict ni Wendy, 'tapos sa paglabas naman nito, tuwang-tuwa sa pagsalubong ng maraming tao sa kanya.



"Hayun, tawa ako nang tawa nang mabalitaan kong may pagsasamahang episode sa Your Song ang dalawa [Bruce and Wendy]. Hindi ako nagkamali sa gagawing manipulation ng programa sa dalawang housemates," sabi uli ni Direk.



Nai-email na raw sa lahat ng executives ng ABS-CBN ang isinulat na artikulo ni Direk Joey. Nakatanggap na rin daw ang direktor ng unfavorable feedback mula sa big bosses ng Kapamilya Network.



"Galit sila, at keber ko ba?" sabi ni Direk Joey. "Mayroon daw susunod na Pinoy Dream Academy kung saan kinuha nila akong faculty member noon, di ba? Pero hindi ko na inaasahan na ipapasok pa nila ako doon pagkatapos ng mga sinulat at sinabi ko about PBB.



"Doon lang ako sa tama. Enough of this kabobohan on national TV, and resorting to these things, para lang kumita ng pera!" matapang na ipinahayag ni Direk Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN