Polo Ravales also has a crush on Angelica Panganiban

IMAGE 0


Silip star Polo Ravales says he finds Angelica Panganiban sexy and innocent looking, which is a rare combination.


Aminado si Polo Ravales na mas malakas ang dating sa kanya ng mga babaeng malalaki ang boobs. Bukod sa ex-girlfriend niyang si Ara Mina na may maipagmamalaking bumpers at ang mga na-link sa kanyang mga kababaihan lately, tulad nina Sarah Lopez at Ethel Booba, sinabi ng sexy actor na crush din niya si Diana Zubiri.

Sa guesting niya sa Homeboy kanina ay inamin ni Polo na may crush din siya kay Angelica Panganiban, na kasabay niyang nag-guest. Bukod sa dalawa, kabilang sa guests ni Boy Abunda sa episode na "Gayuma" sina Maxene Magalona, Andrea del Rosario, John Prats, at Jake Cuenca. Dito'y kinabitan sila ng lie detector apparatus kaya hindi puwedeng magsinungaling ang anim.

After ng taping, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor, isa sa mga bida sa pelikulang Silip ng Seiko Films, kung ano ang nagustuhan niya kay Angelica at kung bakit siya mas attracted sa mga babaeng malaki ang hinaharap.

"Well, dati ko pang crush si Angelica," sabi ni Polo. "I find her pretty and sexy. Ano siya, e, sexy na innocent looking and bihira lang ang ganoon. Kaya lang, may Derek [Ramsey] na siya, e. Ayoko namang mag-comment kung magtatagal sila, pero crush lang naman ‘yong sa akin. I wish them luck sa kanilang relationship.

"Tungkol doon sa next question, siguro lahat naman ng mga lalaki ay mahilig sa boobs, di ba? Sa tingin ko ay normal lang naman ang magkagusto sa girls na blessed pagdating diyan, e.

"Yeah, mas ma-appeal sa akin ‘yong girl na malaki ang boobs. May factor ‘yon, kasi ano ang mas mapapansin ng lalaki, ‘yong flat chested o ‘yong may boobs? Siyempre ‘yong may boobs, hindi ba? Sa tingin ko ay normal lang naman ‘yon sa mga kalalakihan at walang masama doon."

Tungkol pa rin sa lie detector test na ginawa sa Homeboy, dahil bumagsak si Polo sa tanong kung may relasyon sila ni Ethel, ibig kayang sabihin ay totoong may namamagitan sa kanila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsisinungaling ‘yong lie detector test!" nakatawang sagot ng sexy actor. "Hindi kasi, maluwag ‘yong nakakabit sa aking kable, natatanggal, e. Pero sa totoo lang, parang magkapatid lang kami ni Ethel."

Pagdating naman sa pelikulang Silip, sinabi rin ni Polo na posibleng nasilipan siya habang ginagawa ang maseselang eksena sa naturang pelikula.

"Sa tingin ko ay nasilipan ako roon sa eksenang tumatakbo kami na hubo't hubad. Mayroong mga scene na naka-plaster ako, mayroon ding wala, as in hubo't hubad talaga. Pero ‘yong shot naman doon ay malayo, kaya lang, hindi nga na-control ‘yong ibang taong nanonood habang nagsu-shooting kami, kaya doon ako malamang na nasilipan.

"Kasi sa ibang eksenang maselan, mismong si Direk Joel Lamangan, after niyang magbigay ng instructions ay lumalabas siya, doon lang siya sa screen nanonood. Ang naiiwan lang doon ay si Romy Vitug [cinematographer], ‘yung nag-iilaw at ‘yung make-up artist na magtatakip sa amin pagkatapos ng eksena," kuwento ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN