Regine Velasquez and Ogie Alcasid to wed in US?

IMAGE 0


Regine Velasquez is scheduled to follow boyfriend Ogie Alcasid in the US to guest in his concert with Ai-Ai delas Alas. Rumor has it that the two will also wed there.


Sa premiere night ng Paano Kita Iibigin? last Tuesday sa SM Megamall— kung saan tatlong sinehan ang nagpapalabas nitong pelikula—nabigo ang mga umaasang darating ang boyfriend ni Regine na si Ogie Alcasid. Umugong kasi ang usap-usapan na darating si Ogie sa premiere night although days ahead ay nabalitaan na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may shooting si Ogie para sa bagong TV commercial ng MLhuillier that same night.

Bago umalis si Regine pagkatapos ng premiere ay nagpaunlak siya ng maikling interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Isa sa mga sinagot ni Regine ay ang tanong kung mauuwi ba sa kasalan ang relasyon nila ni Ogie.



"Oo naman!" diretsong sagot ni Regine, na very excited ding inilarawan kung gaano kaganda ang magiging hitsura niya sa kanyang wedding day.

Samantala, kaninang alas singko ng hapon ay lumipad na patungong US si Ogie, kasama si Ai-Ai delas Alas para sa concert tour nila sa San Francisco at Chicago. Malakas ang bulung-bulungan na sasabay sa pag-alis ni Ogie si Regine. Sa press con kasi ni Ai-Ai for Belo para sa kanyang smart lipo endorsement last Monday, May 27, nabanggit ng comedienne na makakasama raw nila si Regine sa kanilang show.

Pero mukhang malabong sumabay kanina si Regine kay Ogie dahil sa Saturday, June 2, ay grand showdown na ng hinu-host niyang singing search sa GMA-7 na Pinoy Pop Superstar (PPS). Kaya malamang na sumunod na lamang ang Asia's Songbird pagkatapos ng PPS.

Ngayong kumpirmado nang susunod nga si Regine kay Ogie, marami ang nagsususpetsa na baka sa US magpapakasal ang dalawa. Maganda itong abangan kapag nakabalik na sina Regine at Ogie sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN