Isabel Oli laughs off alleged sex video

IMAGE 0


Isabel Oli, Unilab's endorser for Myra-E lotion, is the target of a rampant blind item insinuating that she and boyfriend Paolo Contis did a sex video.


Recently, may kumakalat na blind item about a young female star na may sex video raw with a partner. Patanong na pala itong napangalanan as Isabel Oli, Unilab's endorser for their new Myra-E Hand and Body Lotion.

Bagamat nag-press con ang Unilab for Isabel just yesterday, May 31, sa Annabel's restaurant, hindi ito naitanong sa kanya dahil more on the current status of her relationship with Paolo Contis lang ang napag-usapan.

The alleged sex video has a girl daw going down on a guy; si Isabel nga raw ang babae at si Paolo naman ang guy.

Itinimbre lang sa amin ito ng aming patnugot sa PEP (Philippine Entertainment Portal), na si Isabel nga raw ang pinapangalanan sa nasabing blind item, kung kaya't nag-text kami agad sa young actress-model about this issue. Imbes na text answer, tumawag sa amin si Isabel to clear this.

"Matagal na 'yan, mga friends ko pa nga sa Cebu ang nag-text sa akin na may video nga raw ako tapos nagtatawanan sila," unang sabi ni Isabel.

"At first nainis ako kasi bakit naman maiisip ng tao na gagawa ako ng ganoon? Pero sabi rin ng mga friends ko, kamukhang-kamukha ko raw talaga. Kaya lang, hindi sila naniniwalang ako 'yon dahil bukod sa may katabaan daw ang girl, ang laki raw ng boobs!" natatawang sabi ni Isabel.

Isabel has a very slim type of body with medium to average bust size to fit her structure perfectly. Sa nasabing press con nga ng Myra-E, naitanong sa kanya kung willing na siyang mag-pose sa FHM dahil nag-two-piece na rin naman siya sa isang giant billboard for Cinderella. Ang patawang sagot niya, magpapalaki raw muna siya ng boobs.

"Pero December pa ito kumalat sa Cebu at hindi cell phone video, mail attachment, ngayon lang ito lumabas?" natatawang dagdag ni Isabel.

We asked her kung napanood niya ang naturang sex video and she said no. Hindi raw siya nanonood ng ganoong klaseng material. Hindi rin siya nagkainteres na panoorin ito, kahit mayroon ang mga friends niya, for curiosity sake .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mga friends ko nga, pagkatapos mapanood binura na. Kasi alam nila it's not me, kaya hindi na rin ako nakahingi ng kopya," kuwento ni Isabel.

After the call and while typing this item, Isabel sent two text messages.

The first: "Hi. Send mo sa akin kung may copy ka ha, please. He he he. Gusto ko na ring makita. Hay... Nakakainis man but gusto ko pa ring makita. Thank you rin for letting me know na may kumakalat na ganyan."

The second: "Pa-send din daw si Pao [Paolo Contis] ng video, he he he. Di totoo 'yan, pero naiintriga pa rin kami ni Pao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN