Sherilyn Reyes calls "unfair" rumors saying she is the breadwinner for hubby Chris Tan and kids

IMAGE 0


Sherilyn Reyes poses with her second husband, former basketball player Chris Tan, whose business ventures earn more than enough for the family.


Many people believe there is no such thing as "second glory," but Sherilyn Reyes proves she's an exception to the rule.



Pagkatapos ma-annul ang kasal niya kay Jun-Jun Santiago (kapatid nina Randy at Raymart), heto't masaya at kuntento si Sherilyn sa piling ng bago niyang mister na si Chris Tan, isang former professional basketball player. Gifted with two healthy and goodlooking sons—si Paoie na anak niya kay Jun-Jun, at si Quirsten, anak naman niya kay Chris—panay ang sabi ni Sherilyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano siya kasuwerte. Paano ba naman daw ay she now has a more peaceful and happy life.



A mainstay in the GMA-7 sitcom Bahay Mo Ba To?, Sherilyn is also one of the hosts of QTV 11's Moms. Dahil very visible ang comedienne sa TV, nagkakaroon tuloy ng issue na siya raw ang tumatayong breadwinner sa pagsasama nila ni Chris, lalo't wala na nga sa basketball court ang asawa.



In a PEP interview with Sherilyn last May 29, during the taping of Bahay Mo Ba To? sa GMA-7 compound, sinabi niyang napaka-unfair ng isyung ito sa kanyang mister.



"I can say that issue is so unfair to Chris," sabi ni Sherilyn. "Modesty aside, last name pa lang na Tan, hindi mo sasabihing walang pera. Si Chris kasi ‘yong type ng person na di ipinangangalandakan kung anong mayroon sila. But definitely, they have a very big company in Singapore and a big company here."



Dagdag nito, "Assistant commissioner siya [Chris] sa Junior PBA [Philippine Basketball Association]. Nagdadala siya ng imports sa PBA, and right now may tatlong imports siyang nadala dito. Tapos minsan, nagre-radio analyst din siya at nagba-basketball clinic siya. At the same time, mayroon silang oil company. We are also producing shows and isa nga rito ‘yong concert ni Ogie [Alcasid] this coming August."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagtatanggol pa ni Sherilyn kay Chris, "Kung sa kita, kung ano ang kinikita niya sa basketball, mas malaki ngayon. In fact, he's also a dollar-earner. Nasa computer lang siya, nasa telepono lang, but he's earning more than I do. Ang laki nga ng difference ng kinikita namin. Kahit nga di na ako magtrabaho, kaya niya kaming buhayin ng mga anak ko."

Kadalasan ay issue rin sa isang mag-asawa ang insecurities, lalo na kung mas sikat at mas kilala ang babae kaysa sa kanyang partner. Sherilyn assures us na never itong naging issue sa kanila ni Chris.



"Wala siyang insecurities sa katawan kasi alam niya ang mga achievements niya," sabi ni Sherilyn. "He's very supportive sa work ko. Kung hindi lang medyo nag-adjust sa work ko si Chris, baka nag-away na kami because of schedule, lalo't hindi na siya naglalaro. Ngayon na maluwag ang oras niya, hatid-sundo niya ang mga bata sa school and sinusundo niya rin ako galing sa taping.



"Ang maganda kay Chris, nag-usap kami, marami kaming sinet na rules sa isa't isa without hindering the growth of each other. Tinanong namin kung ano ba ang priority namin. Sa aming dalawa, sino ba ang priority namin? Alam namin na kaming dalawa. So instead of trying to please other people, tapos to the extent na nasasaktan mo ang mahal mo, huwag na lang.
Sa amin, magalit na ang lahat, basta kami nagkakaintindihan kaming dalawa."

She is also thankful na maayos ang arrangement nila ni ex-hubby Jun-Jun pagdating sa kanilang anak na si Paoie.



"Very happy kami, very peaceful, very civil, nandun ‘yong respect. I hope it stays that way. Shared custody kami ni Jun-Jun kay Paoie, one week sa kanya, one week sa akin. Kung gusto kong mag-extend, puwede. Kung gusto naming magbakasyon, puwede rin. So very flexible ‘yong set up," masayang pahayag ni Sherilyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN