Court issues warrant of arrest for Rosanna Roces

IMAGE 0


Former sexy actress Rosanna Roces was issued a warrant of arrest by the Quezon City court over a libel case filed against her by her former friend, Dr. Vicki Belo.


Bandang alas-dose ng tanghali kanina, June 1, ay pinuntahan ng tatlong pulis ng Quezon City ang bahay ng dating sexy star na si Rosanna Roces. Dala nila ang isang warrant of arrest na na-isyu ng korte para dakpin ang aktres.

Nakipag-uganayan na rin daw ang arresting team sa pamunuan ng subdivision na kinaroroonan ng bahay ni Osang.

Ayon kay PO1 Arthur Aquino, naging maayos naman daw sa una ang pagdating nila sa bahay. Natutulog daw si Osang, ayon sa mga nakausap nila, kaya't minabuti daw nilang maghintay.

"Pinapasok kami nung nanay at kapatid, tapos 'yong sekretarya hinarap kami. Ang sabi kukunsultahin daw 'yong lawyer nila," pahayag ng arresting officer.

Kasama ng arresting team ang dalawang associates ni Atty. Raymund Fortun, abugado ni Dr. Vicky Belo. Makikipag-usap daw sana sila kay Osang para siputin na nito ang hearing ng libel case na isinampa laban sa kanya ng well-known cosmetology doctor.

"Supposedly, Ms. Rosanna Roces should have attended her pre-trial conference last May 23, 2007. However, she failed to attend, so the court was constrained to issue a warrant for her arrest and the forfeiture of the bail bond she posted," ani Atty. Glen Albano.

Matapos ang dalawang oras, lumabas mula sa loob ng bahay ang nagpakilalang sekretarya ni Osang. Bigla itong nagalit dahil nakita nito ang camera ng GMA-7 News sa labas ng bahay. Bigla rin nitong binawi ang naunang sinabi na natutulog ang aktres. Wala raw sa bahay si Osang. Pinalabas din niya ang mga pulis na noo'y naghihintay sa garahe. Tinarangkahan na niya ang gate sa puntong ito—senyales na hindi na siya makikipag-usap pa.

Pilit pa rin siyang kinausap ng mga awtoridad, pero dali-dali itong pumasok ng bahay at tumanggi nang makipag-usap. Tinanong ng Gma-7 crew kung ano ang kanyang pangalan, pero paangil niyang sinabi na hindi raw siya nagbibigay ng pangalan kung kani-kanino lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa arresting team, hindi pa raw nagtatapos dito ito.

"There is a standing warrant for her arrest, she could get apprehended any time," dagdag ni Atty. Albano.

Nag-ugat ang libel case sa mga television at print interviews ni Osang noong kasagsagan ng away nila ni Dr. Belo halos tatlong taon na ang nakararaan. Ikinagalit ng beauty doctor ang mga naging interviews ni Osang dahil nakakasira raw ang mga ito sa kanyang kredibilidad.

Sinabi ni Dr. Belo sa isang interview noong Martes, May 29, na handa niyang iurong ang kanyang demanda laban kay Osang. Pero kailangang humingi muna raw ng tawad ang aktres sa dating manager nitong si Lolit Solis, pati na kay Lorna Tolentino, na diumano'y parehong siniraan ni Osang sa telebisyon at print.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN