Polo Ravales can get back with Sunshine Dizon

IMAGE 0


"Gusto kong subukan kong puwedeng mag-work out ang relasyon namin ngayong mas older na kami at mas mature," says Polo Ravales about ex-girlfriend Sunshine Dizon.


Napanood ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang guesting ni Polo Ravales sa SIS, kung saan natanong siya ni Gelli de Belen kung sino sa kanyang ex-girlfriends ang kanyang babalikan. Ang sagot dito ng sexy actor ay si Sunshine Dizon, his first girlfriend at pinakamatagal na nakarelasyon.



Nang makita ng PEP si Polo sa press preview ng Silip—kung saan kasama ni Polo sina Francine Prieto at Diana Zubiri—inalam namin kung bakit si Sunshine ang napili niyang balikan kung sakali. Bakit hindi sina Alessandra de Rossi, Melissa Avelino, o Ara Mina?



"Bata pa kami ni Sunshine nang unang magkarelasyon, immature pang masyado at konting bagay ay pinag-aawayan. Gusto kong subukan kong puwedeng mag-work out ang relasyon namin ngayong mas older na kami at mas mature," pahayag ni Polo.



Mukha ngang may balak si Polo na ligawan uli si Sunshine dahil inalam nito sa kasama namin kung totoo ang naging relasyon ng actress kay Victor Neri. Oo, sagot ng kanyang tinanong, kaya lang ay may mga bagay daw na di napagkasunduan sina Sunshine at Victor kaya ito'y natapos agad.



Sumang-ayon si Polo na di puwedeng manduhan si Sunshine na manatili sa isang sulok dahil very strong ang character nito. "Mas siya [si Sunshine] pa ang gagawa noon, na diyan ka lang at wag aalis," sabi nito.



Ipinarating ng PEP kay Sunshine ang sinabi ni Polo na siya pala ang gustong balikan sa mga naging girlfriend ng binata.

"Sinabi niya yun? Sinabi niya yun?," sabi ng dalaga na paulit-ulit. "Nakaka-flatter naman dahil kahit marami na siyang naging girlfriends, ako pa ang napili niya. Kaya lang, nag-move on na ako, but we can always be friends. Although ayaw kong magsara ng door at baka kainin ko ang sinabi ko. But as of now mas okay kaming magkaibigan. Sinabi niya talaga yun?"



Samantala, inamin ni Polo na factor sa break-up nila ni Ara ang agwat ng edad at magkaiba nilang lifestyle—mas bata siya ng three to four years sa ex-girlfriend at di nila masakyan pare-pareho ang gusto ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa text lang sila nag-break up ni Ara. Sabi ni Polo, sa right time and place, kakausapin niya ang ex-girlfriend para magkaroon ng proper closure ang short-lived nilang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN