John Lapus explains absence from Star Magic's anniversary in "ASAP '07"

IMAGE 0


John "Sweet" Lapus was supposed to guest in ASAP '07 last Sunday for the anniversary presentation of Star Magic, but did not because he has an existing contract with the Kapuso Network.


Na-bother si John "Sweet" Lapus nang may mag-forward sa kanya ng isang anonymous text message. Ayon sa text, galit na galit diumano sa kanya ang mga taga-Star Magic ng ABS-CBN, partikular daw si Johnny "Mr. M" Manahan, dahil hindi siya pinayagan ng GMA-7 na mag-participate sa anniversary presentation ng Star Magic noong nakaraang Sunday sa ASAP ‘07.



Ito ang text message na natanggap niya mula sa cell number na 0916-4653720: "Pnagchichismisan d2 sa abs. Di daw pinayagan ng gma si john lapuz na sumali sa starmagic aniv sa asap. Imbyerna yung designer kc ginawan na sya ng damit. Inis din pokwang kc nawalan ng kapartner. Sama loob ni johnny manahan at nong choreographer."

Inamin ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakapag-rehearse na siya para sa production number niya sa ASAP '07 nang bigla siyang sabihan ng GMA-7 na hindi siya puwedeng sumali sa naturang presentation dahil nasa bakuran na siya ng Kapuso Network. Gustong linawin ni Sweet na wala naman daw talagang naging malaking problema at masyado raw OA ang nagpakalat ng text message.



Ayon kay Sweet, "Ang totoo niyan ay nakapag-rehearse na talaga ako for the anniversary presentation ng Star Magic sa ASAP. Para nga ‘yon sa 'Full Circle' ng ASAP. Dapat ay two days ang rehearsal ko.

"Ang sa akin naman, since management office ko ang Star Magic, nagpapasalamat ako na isinama nila ako sa anniversary presentation. Magpapaalam talaga ako sa GMA bosses, pero that time ay nasa States sila. Nag-rehearse ako ng Sunday, at the next day tinawagan ako ng taga-GMA at gusto raw akong kausapin regarding sa magiging participation ko sa ASAP.

"In fairness naman, hindi naman ako pinagalitan dahil tinanggap ko ‘yong paglabas sana sa ASAP. Sinabi lang nila na since I'm doing a show with GMA-7, which is Showbiz Central, sana ay sa GMA lang muna ako makita ng mga televiewers. May ibang plans pa naman daw sila for me kaya mas okay kung sa isang channel lang ako napapanood. Banner show kasi ng ABS-CBN ang ASAP tuwing Sunday. Mahirap na raw mapanood ako doon since may times na nagiging guest din ako sa SOP, na katapat nga ng ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nakita ko naman ang point nila [GMA-7 management] because sa paggawa naman ng movies ay hindi nila ako pinipigilan, even if it's a Star Cinema production tulad ng Ang Cute Ng Ina Mo. Kasi nga, TV lang naman ang kontrata ko with them, kaya mas concerned sila sa paglabas ko sa TV, na hangga't maaari ay GMA na lang muna ako," paliwanag ng TV host-comedian.



Dagdag pa ni Sweet, ipinaalam naman daw niya nang maayos kay Mr. M ang situwasyon niya at naiintindahan naman daw ito ng Star Magic big boss.



"Hindi naman nagalit si Mr. M tulad sa nakalagay sa text message," sabi ni Sweet. "It was okay with him at sumusunod lang naman ako sa mga may concern sa career ko ngayon. Nag-sorry rin ako kay Pokwang kasi siya nga ‘yong dapat na ka-partner ko. Pinalitan ako ni Franzen Fajardo sa production number namin noong Sunday sa ASAP."



Hangad lang naman ni Sweet ay maging maayos ang lahat between GMA-7 and Star Magic of ABS-CBN. Ayaw raw niyang may mag-away at magkasamaan ng loob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN