Ara Mina stranded at JFK Airport for more than 10 hours

IMAGE 0


Ara Mina performed with Dennis Trillo and Gladys Guevarra in New Jersey to promote GMA Pinoy TV.


Kaninang umaga (9 a.m. Manila time) ay kapalitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text messages ang aktres na si Ara Mina, na noong mga oras na 'yon ay nasa JFK (John F. Kennedy) Airport.

Pasakay siya ng Newark Continental para sa Los Angeles para muling makasakay ng PAL (Philippine Air Lines) pauwi rito sa Pilipinas.



Gusto lang i-share ni Ara ang dilemang nararanasan niya habang nasa airport, na puwedeng ihambing sa character na ginampanan ni Tom Hanks sa Hollywood film na The Terminal.



"Hazel [Ara's real name] 'to. Terminal movie na ito. Grabe! Ten hours na kami dito sa airport. Delayed halos lahat ng flight. Nakapag-lunch, nakapag-charge na ako ng cell, naka-cut na ako ng nails, nakapag-pluck na ako ng eyebrows, nakapag-dinner, nakapag-ikot. Kaloka! Di na kami aabot sa flight ng PAL ng 7:30 p.m. kasi lagpas 7:30 na, pero pinaalam na namin sa PAL. So, baka mag-LA pa kami para makasakay ng flight.

"Kanina dapat 12:30 noon 'yong flight. Nagkaroon ng problema because of the agency ng producer ng expo nung sa GMA-7. Ako nga lang naiba ng flight, so naka-standby kami sa 5:50 p.m. Then, isa lang available. E, di maghihiwalay kami ng kasama ko. So we have boarding pass for 6:50 p.m. Delayed ng one hour. Na-move ng 7:50 p.m. Wala pa kasi ang plane up to now. Then, na-move ng 9 p.m. Nakakaloka!



"Pahirapan talaga 'to. Kada punta ko ng New Jersey, delayed mga flights. Pag nakasakay kami tomorrrow sa LA ng PAL, June 6 ng morning balik ko. Na dapat June 5 kung nakasakay kami ng flight tonight. It's 8:40 p.m now. Mas malala pa yata noong trip natin. Eto, boarding na kami at last! Nakikipaglaro na ako sa mga batang Amerikano dito. Ha-ha!"



Si Ara, kasama sina Dennis Trillo at Gladys Guevarra, ang ipinadala ng GMA-7 Pinoy TV para magtanghal sa mga kababayan natin sa New Jersey last week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Iniwanan muna ni Ara ang taping niya for Lupin para gampanan ang gustung-gusto niyang paghahatid ng saya sa mga kababayan nating matagal nang naninirahan sa United States.



Madalas, ngaragan man ang ganitong klase ng mga lakad para sa aktres, kinakaya niya kesehodang halos sa eroplano na siya nakatira. Kaya sa pamamagitan ng kanyang text ay gusto lang ibahagi ni Ara na natapos na ang kanilang successful show doon at ang gusto na lang niya ay makauwi. Pero gaya nga ng nauna na niyang trip doon last August, ngarag pa rin si Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN