Patrick Garcia wants to be close to Jennylyn Mercado's fans

IMAGE 0


"Basta mahal ni Jen, mahal ko rin. Kaya when we are with Jen's fans, I try to get to know them too. Gusto ko rin silang maging kaibigan," says Patrick Garcia about the fans of his girlfriend, Jennylyn Mercado.


Three weeks nagbakasyon si Patrick Garcia sa Alaska, USA. Sa kanyang pagbalik ay nasabak kaagad siya sa promo ng trilogy movie na Angels, kung saan kasama siya sa third episode na "Angel of Love."



Sa naganap na presscon para sa Angels ay hindi tinantanan si Patrick ng mga tanong tungkol kay Jennylyn Mercado, ang kanyang girlfriend at leading lady sa pelikula. First time ni Patrick na maging leading lady niya sa pelikula ang kanyang real-life girlfriend kaya very special daw ang Angels.



"Iniisip ko nga kung may nagawa na ba akong movie na ang leading lady ay girlfriend ko. Wala pa pala at first time itong mangyayari sa akin," sabi ni Patrick.

Dagdag pa niya, "The project is special because I had so much fun working with Jen. I did not realize how professional she is. Kahit na may sakit siya, she still works hard, and that for me is very admirable."



Ayaw sanang i-reveal ni Patrick kung ano ang pasalubong niya kay Jennylyn mula sa kanyang bakasyon sa Alaska, pero ang mismong ina-inahan ng young actress na si Mrs. Lydia Mercado ang nagbuko na isang malaki at magandang pillow ang pasalubong ng binata.



Aware si Patrick na may fans si Jennylyn na hindi pa rin siya ang gusto para sa dalaga kung di ang ex-boyfriend ng dalaga na si Mark Herras. Sa isyung ito ay sinabi ni Patrick na gagawin niya ang makakaya para magustuhan din siya ng mga fans nina Jennylyn at Mark.



"Alam ko naman na hindi madali itong ginagawa ko," pag-amin niya. "I just want to be close to them also. Basta mahal ni Jen, mahal ko rin. Kaya when we are with Jen's fans, I try to get to know them too. Gusto ko rin silang maging kaibigan."



Tungkol naman kay Mark, sinabi ni Patrick na wala naman daw silang problema. Masyado lang daw napalaki ng media ang lahat ng naging kaguluhan nila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala naman talagang naging gulo with Mark. We're okay at pinagtatawanan na lang namin ‘yong mga isyu. Noong mag-birthday celebration nga si Jen sa set ng movie nilang Tiyanaks, pumunta ako at nagkita kami doon ni Mark. We shook hands like true gentlemen," kuwento ni Patrick.



Okay lang din daw kay Patrick na may gawin silang pelikula ni Jennylyn with Mark. Originally ay kasama dapat si Patrick sa Tiyanaks, pero nagkaroon ng hindi pagkakasunduan kaya natanggal si Patrick sa cast.



"I see no problem kung magkakasama kami nina Jen at Mark sa isang movie. Trabaho lang naman lahat," sabi ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN