Kuya Germs talks about Vilma Santos and Nora Aunor

IMAGE 0


TV personality German Moreno (middle) is close to both of the country's biggest stars, Vilma Santos (left) and Nora Aunor (right).


Sa bagong gawa na Paradise of Stars sa Mowelfund Compound—na brainchild ng TV host German Moreno—ginawaran ng pagkilala last May 31 ang dalawa sa veteran stars ng local showbiz na sina Berting Labra at Olivia Cenizal. Katuwang ni Kuya Germs sa pagbibigay-parangal sa dalawang senior stars ang head ng Mowelfund na si Boots Anson-Roa.

Nag-imbita rin si Kuya Germs ng iba pang showbiz personalities, lalo na ‘yong mga tumakbo last elections at pinalad na manalo, kabilang na ang bagong governor ng Batangas at Star For All Seasons na si Vilma Santos. Pero sa kasamaang-palad ay hindi nakarating si Ate Vi sa parangal.

VILMA SANTOS. Dahil dito, mabilis na kumalat ang tsismis na sumama nang husto ang loob ng veteran TV host sa Star For All Seasons, lalo pa't ito na ang pangatlong pagkakataon na inimbita niya ang actress-politician at pangatlong beses din siyang hindi sinipot.

"Hindi naman sumama ang loob ko kay Vi," paglilinaw ni Kuya Germs sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kung magagawan niya ng paraan kahit papaano, kung pinapahalagahan niya ‘yong ginawa ko, ‘yon lang naman.

"Pero tampo, galit, hindi ko magagawa ‘yon dahil alam naman natin na, lalo na ngayon, meron na siyang narating. Gobernadora na siya pagkatapos niyang maging mayor. So, kinararangal ko na isang Vilma Santos ay naroon sa Walk of Fame Philippines at dito sa Paradise of Stars."



Balita kasi na nasaktan si Kuya Germs dahil mismong si Vilma raw ang nangako sa kanya na darating siya. Totoo ba ito?

Ayon kay Kuya Germs, "There was a time, ‘yong inauguration ng Walk of Fame Philippines, nagpadala kami ng paanyaya, hindi siya dumating. Tapos tinawagan niya ako. Napanood niya yata sa telebisyon ‘yung inauguration. ‘Ay, Kuya Germs, sorry. Naku, hindi ko talaga ano, hayaan mo next time gagawin ko. I promise you that,' sabi niyang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkaroon ulit ng pangalawa, noong nag-celebrate kami ng first anniversary sa Eastwood. So, pangatlo na itong sa Paradise. E, hindi naman ako nag-aano. But I know someday, magkakaroon naman siya ng panahon dahil kung meron siyang panahon, kailangan nandoon naman ako para mapasalamatan ko siya, hindi ba? So, ‘yon lang naman."



Sabi pa ni Kuya Germs, "Dahil itong huli kong imbitasyon sa Paradise of Stars, kasalukuyang magsisimula ang mga pangangampanya. So, sinagot noong secretary na hindi raw makakarating dahil sa ganun. Ngayong tapos na ang kampanya, nasa posisyon na siya, so kung meron na siyang panahon, e, di bibigyan ko ng panahon ang sarili ko na salubungin siya. Either sa Walk of Fame Philippines at dito rin sa Paradise of Stars. Anytime ako."



NORA AUNOR.
Nagsalita rin si Kuya Germs sa isyu ng pagpapakasal diumano sa United States ng long-time friend niyang si Nora Aunor sa manager nitong si Norie Sayo.



Paliwanag ni Kuya Germs, na naging co-host ni Nora noon sa naging longest-running musical variety show, Superstar: "Wala naman akong ibang magiging reaksiyon kundi, in Las Vegas iisa lang ang sagot ko, na maraming nangyayaring ganyan na ilegal o legal. Ito ba'y makatotohanan o biru-biruan? Dahil knowing Guy, e, puwede niyang gawin ‘yon na, ‘Halika, tingnan natin kung ano ang mangyayari dito sa ano.'

"So, hindi ko kinukunsider na makatotohanan. Although may katibayan, merong ganyan, e, gagawa talaga siya ng ganyan. Pero puwedeng mangyari na ikinasal sila pagpasok, pero paglabas mo divorce na sila.

"Hindi ko sineseryoso. Kung sa kanya manggagaling, e, rerespetuhin ko. Sa kanya na nanggaling, e. Pero kung ganyan na, ‘Kayo naman, hindi na kayo mabiro!' Mga ganyan, paano mo seseryosohin?"

Kung saka-sakali ngang totoo na nagpakasal si Ate Guy sa kapwa niya babae, magiging pabor ba si Kuya Germs dito?

"Siyempre, ayaw mo naman siguro ‘no!" sagot niya. "Dahil kahit papaano, si Guy nirerespeto mo naman siya hindi lang bilang kasama mo sa industrya. Nagkasama kami nang matagal, nang mahabang panahon. Nagkatulungan kami and she's a Superstar. Kahit na uso na ‘yan ngayon sa mga panahong ito, na hindi naman matanggap ng iba, siguro mas mabuti na hintayin natin na sa kanya manggaling mabuti ang pagpapaliwanag sa bagay na ‘yan. Bigyan natin siya nang sapat na panahon. Kung kailan niya magagawa, nasa sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng veteran showbiz fixture, "Kung ako makakabalik ulit sa Amerika, pag kami nagkita, itatanong ko sa kanya. Kung gaano ba kaseryoso ‘yong kasalang naganap? Kung makatotohanan ba? O ‘yon ay isa lamang biruan para lang meron kayong gawin noong araw na ‘yon?"



Totoo ba na sinabi sa kanya ni Ate Guy na wala na siyang babalikan dito sa Pilipinas kaya doon na siya mamamalagi sa Amerika?



"Sinabi niya sa akin ‘yong ganun dahil siguro ‘yong kung anuman meron siya dito dati, ibinenta na niya. So, ‘yon lang ang sinabi niya sa akin," ani Kuya Germs, na ang tinutukoy ay ang mga ari-arian ng Superstar.

"Sabi ko, ‘Basta huwag mo lang sasayangin kung anuman ang pinagpapaguran mo pa dito. Binigyan ka ng maraming pagkakataon ng Panginoon, so, dolyares na ito, na nasa Amerika ka, so pag-ipunan mo na lang.' Sabi naman niya, ‘Huwag kang mag-alala Kuya Germs, baka bukas-makalawa makabili naman ako ng akin."



Nakabili na kaya ng bahay si Ate Guy sa Estados Unidos?

"I hope, dahil sabi niya noon meron na siyang mabibili, e. Last year ‘yon," sabi ni Kuya Germs.



Hindi ba maaaring isang dahilan sa pagbabalik sa Pilipinas ni Ate Guy ay ang kanyang mga anak?



Sagot naman ni Kuya Germs, "Well, siguro naman nagkakausap sila kahit papaano. So, alam naman niya ‘yon. Kaya hindi ko na siguro kailangang itanong sa kanya ‘yon."



Sa huling balita ni Kuya Germs kay Ate Guy sa US, nalaman niya mula sa abogado ng Superstar na naayos na ang kaso niya doon. Happy si Kuya Germs dahil nabunutan na raw ng tinik si Ate Guy at nakakakilos na doon nang kung ano ang gusto niyang gawin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN