Tanya Garcia and Mark Lapid will name their baby Mischa Amidala

IMAGE 0


Tanya Garcia's favorite Hollywood actress is Natalie Portman, who played Amidala in Star Wars Episodes 1 to 3. Now six months pregnant, Tanya plans to name her baby with Mark Lapid Mischa Amidala.


Nakita muli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Tanya Garcia. Bagama't anim na buwan siyang buntis ay hindi pa masyadong halata ang kanyang tiyan. Maganda at sexy pa rin kasi si Tanya at mukhang hindi naman masyadong nag-gain ng weight.

Siyempre pa, gusto sanang malaman ng PEP ang reaksiyon niya at ni Mark Lapid, ang ama ng kanyang dinadala, sa paglabas ng Koreanang si Yuri Park na nagsasabing asawa siya ng dating governor ng Pampanga at mayroon silang anak. Pero nakiusap si Tanya na huwag muna itong pag-usapan.



Instead, ikinuwento na lang ni Tanya sa PEP na may napili na silang pangalan sa baby nila ni Mark since kumpirmado na raw na baby girl ang isisilang niya. Ayon kay Tanya, papangalanan nila ang kanilang anak na Mischa Amidala.



Wala raw meaning ang "Mischa" kung ibabase ni Tanya sa mga ni-research niyang baby's names. Hindi lang daw siya sigurado sa iba pang listahan ng mga names kung may meaning nga ito roon. Nagustuhan niya lang daw ang pangalan at sound ng Mischa, at feeling niya, babagay sa second name nito which is Amidala.



Obviously, at aminado naman si Tanya, hango ang Amidala sa pangalan ng character na ginampanan ni Natalie Portman sa Hollywood franchise movie na Star Wars. Favorite actress niya raw kasi si Natalie.



September na ang due date ni Tanya, pero hindi pa raw siya sure kung saan ipapanganak ang kanyang first baby, kung dito sa Pilipinas o sa ibang bansa.



Hindi man US citizen si Tanya at mga kapatid niya dahil dito sila sa Pilipinas lahat ipinanganak, ang daddy naman nila ay pure American. Pero may pangako si Tanya na kahit saan man siya manganak, isa lang daw ang sigurado—sa Pilipinas papabinyagan si Mischa Amidala, lalo pa nga't nasa bansa ang karamihan ng mga ninong at ninang na napipisil nilang kunin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN