PEP EXCLUSIVE: Dolly Anne Carvajal wants Annabelle and Ruffa to "stick to the issue"

IMAGE 0


"I do not fight fire with fire. Sana huwag nilang asahang sasagot pa ako para lalong lumaki ito," says Dolly Anne Carvajal about Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez.


Naging emosyonal ang paglalahad ni Dolly Anne Carvajal tungkol sa mga patutsada sa kanya ni Annabelle Rama. Labis siyang nalulungkot sa mga nangyayari dahil alam daw niya kung gaano ka-close ang kanyang namayapang inang si Inday Badiday kay Annabelle at sa anak nitong si Ruffa Gutierrez.

Hindi na rin nagbigay ng kahit anong interview si Dolly Anne dahil hindi naman daw siya artista o celebrity para makipagpalitan pa ng mga salita sa mag-ina.

Bago siya pumayag magpa-interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay iginiit ni Dolly Anne na sana raw ay maipunto na hindi siya ang nag-request ng interview. Kusa siyang nilapitan ng PEP para idepensa ang kanyang sarili laban sa mga alegasyon ni Annabelle.

STICK TO THE ISSUE. Unang ipinunto ni Dolly Anne na wala raw siyang isinulat na opinyon tungkol kay Ruffa. Ang lumabas daw sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer ay isang tanong ng isang reader na tsismis tungkol kay Ruffa.

Wala raw siyang galit sa dating Miss World 2nd Princess at ni minsan daw ay hindi niya naisip na siraan ito.

"Why can't they [Annabelle and Ruffa] just stick to the issue? Instead of lambasting me on TV na sobrang personal ang attack, sana sinagot na lang nila ang mga tanong ng isinulat ko. I do not fight fire with fire. Sana huwag nilang asahang sasagot pa ako para lalong lumaki ito," pahayag ng kolumnista.

Aminado si Dolly Anne na nasaktan siya sa mga binitiwang salita ni Annabelle sa Showbiz Central noong Linggo, June 3. Sana raw ay naging maingat si Annabelle sa pagbibitaw ng mga salita.

Gusto na lang daw linawin ni Dolly Anne ang ilang bagay na sinabi ni Annabelle sa Showbiz Central, lalo na ang mga patungkol sa pera at ilang materyal na bagay.

"Showbiz Central called me the night before, pero para ano? Para pagsabungin kami [ni Annabelle]? Live si Annabelle tapos uupo akong Central Juror? Hindi yata maganda ‘yon," sabi ni Dolly Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MONEY MATTERS.Sa kuwento ni Dolly Anne, December 2005 nang magkita siya at si Annabelle sa isang Christmas party. Naglambing lang daw siya ng Christmas gift mula sa nanay ni Ruffa at agad daw itong nagbigay ng two thousand pesos. Hindi raw inakala ni Dolly Anne na isusumbat sa kanya ni Annabelle ang perang ito matapos ang dalawang taon.

"It was a Christmas gift. Kung alam ko lang sana, hindi na lang ako nanghingi. Akala ko kasi, out of her closeness to my Mom—parang tita-tita na—sana hindi ko na lang tinanggap ‘yon. Once lang ‘yon na naglambing ako ng pamasko, kasi we were in the same table at that party," hinaing ni Dolly Anne.

Mariin ding itinanggi ni Dolly Ann na humihingi siya ng pera kay Annabelle.

"I work hard to feed my kids," giit niya. "Huwag sana niyang palabasin na palamunin niya kami. Insulto naman kay Mommy ‘yon. Kahit papaano, may naiwan naman ang Mommy ko sa aming magkakapatid."



Nilinaw rin ng anak ni Inday Badiday na hindi raw Chanel face powder ang ibinigay sa kanya ni Annabelle noon kundi isang hand mirror daw na kulay ginto.

"Tinanong ko siya kung mayroon siyang compact kasi gusto kong manalamin. Ibinigay niya sa akin ang isang golden hand mirror. Nang ibabalik ko na, sabi niya, ‘Hindi, sa ‘yo na lang ‘yan.' Pero hindi ko hiningi ‘yon, hindi ko kailangan ‘yon," diin ni Dolly Anne.

"Nag-aral ako sa Paris," patuloy niya. "Hindi naman din ako na-attract sa mga brands na ‘yan. Ang dami yata nun dun. Besides, hindi ako gumagamit ng face powder na Chanel, iba ang brand ko."

THE LAST WORD.Aminado rin si Dolly Anne na naguguluhan siya ngayon. Hindi na raw siya nagbabasa ng mga diyaryo at nanonood ng TV para maiwasang mas lalo pang maapektuhan ng issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangako naman ang kolumnista na sasagutin niya point-by-point, sa huling pagkakataon, ang mga paratang ni Annabelle sa kanyang column sa Inquirer sa Huwebes.

Dagdag pa ni Dolly Anne na patuloy pa rin daw siyang magsusulat ng mga artikulo tungkol kay Ruffa o kahit kanino pang artista na may istoryang karapat-dapat mailagay sa kanyang column.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN