Nothing comic about vice mayor-elect Teri Onor's debts and angry grandma

IMAGE 0


Teri Onor won as vice mayor of Abucay, Bataan, but with his victory came a heavy price—the anger of his grandmother, Bataan mayor Anna Dominguez Santiago.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Klownz Araneta ang comedian at host ng Eat Bulaga! na si Teri Onor, na nanalong vice mayor ng Abucay, Bataan, nitong nakaraang halalan.

Sumasalang pa si Teri sa mga primetime shows—usually midnight—sa mga comedy bars ni Allan K. habang hindi pa siya nauupo sa kanilang munisipyo, although doon na raw siya matatagpuan sa Abucay, Bataan, mula Lunes hanggang Biyernes.

Kung si Teri ay pinalad manalo, ang kanya namang running mate na si Rebong Boniqui—na tumakbo bilang mayor—ay natalo. Bagkus, ang lola ni Teri na si Anna Dominguez Santiago, maybahay ni incumbent Mayor Liberato Santiago, ang bagong mayor ng Abucay, Bataan.

Balitang may alitan sa pagitan nila ng kanyang lola. Paano sila magtatrabaho harmoniously?

"Noong proclamation po, lumapit po ako sa kanya para mag-mano. Pero tinalakan po ako sabay sabing hinding-hindi niya raw ako mapapatawad sa harap ng maraming tao. Kailangan daw pong mag-public apology ako dahil daw sa mga sinabi ko against sa kanya. E, alam naman ng mga taong wala akong paninirang ginawa laban sa kanya. Ang mga taong nasa paligid lang niya ang nagpaparating sa kanya ng kung anu-anong mga sulsol.

"Ako nga po ang dapat na magdamdam dahil ang sinasabi nila sa mga tao, huwag akong iboto dahil bakla ako. Wala raw akong gagawin sa munisipyo kundi umupo lang, pero sa Maynila naman daw ako maglalagi. Wala raw akong galang at pilit nilang sinasabi na ako ang nagsabing huwag siyang iboto dahil matanda na. Hindi ko na lang po papatulan ang mga paratang na 'yon dahil nakita naman ang layo ng lamang ko sa mga naging kalaban ko sa naging resulta ng mga balota," mahabang pahayag ni Teri.

Samantala, hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang mga taong naghahabol kay Teri dahil sa mga utang niyang hindi pa nababayaran. Nahaharap na ba niya ang mga bagay na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po pinagtataguan ang mga pinagkakautangan ko," sabi ni Teri. "Kinakausap ko naman po silang lahat. Humihingi lang ako ng palugit dahil nga nakabimbin pa 'yong kasong isinampa ko sa mga lumoko sa akin sa business na pinasok ko sa networking. Kaya oras na madesisyunan na po 'yon, alam kong mapaplantsa na ang lahat ng obligasyon ko sa mga taong natulungan din naman ako sa maraming paraang pinansyal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN