Gov. Vilma Santos's senior adviser is former senator Ralph Recto

IMAGE 0


Batangas Governor-elect Vilma Santos asserts that her husband, former senator Ralph Recto, in her nine years as Lipa City mayor, never took over the helm. He gave her support and pointers, "Pero in the end ay ako pa rin ang dumidiskarte at nagde-decide ayon na rin sa pangangailangan ng mga constituents ko."


Larawan ng isang graceful lady at devoted wife si Batangas Governor-elect Vilma Santos sa kanyang naging panayam hinggil sa pag-concede ng asawang si Senator Ralph Recto at tuluyan na nitong pamamaalam sa Senado noong June 4. Nabigo si Ralph sa kanyang re-election bid for senator at ayon sa pinakahuling bilang ng Comelec ay nasa ika-14 na puwesto lamang siya.

Sa text message na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa bagong governor ng Batangas, nagpahatid ito ng pasasalamat sa lahat ng mga kasamahan sa media-showbiz man o hindi—sa lahat ng tulong na naibahagi sa kanila, lalo na nitong nakaraang eleksiyon.

"Kung wala kayo na talagang tumutok sa naging laban namin dito sa Batangas, baka nag-iba ang kuwento. Sa anupaman, I'm thanking you all for being there and reporting the truth of every happening. Hindi madali ang naging proseso ng pagkakapanalo ko bilang gobernador ng lalawigan, pero sa tulong ninyo ay kinaya ko. Hindi rin lalong madali na patakbuhin ang buong probinsya, pero again sa tulong ninyo, susubukin kong kayanin," bahagi ng naturang text message mula kay Gov. Vi, na mas sanay pa ring tawaging Mayor Vi.

Naghahanda na raw ngayon ang Star For All Seasons sa kanyang pagtuntong sa Kapitolyo ng Batangas. Inaasahan at ipinagadarasal niyang maging maayos ang lahat, lalo pa't kinuha niyang senior adviser ang kanyang butihing asawa.

"I'm so proud of my husband," sabi niya. "For me, he is really a statesman, he is my senator, my dear friend, and now my senior adviser."

Sa bagong hamon na ito kay Gov. Vi, mas magiging madali ang lahat kapag nasa likod niya si Senator Recto. Pero klaro niyang tinuran kahit noong hindi pa siya nagdesisyong tumakbo bilang governor, na siya at hindi si Ralph ang nasusunod sa lahat ng political plans niya. Baka raw kasi isipin ng ibang tao na ngayong wala na sa Senado si Ralph ay ito na ang magpatakbo ng lalawigang Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That will never happen," paniniguro ni Vilma. "Sa mga totoong nakakakilala sa akin, ever since, alam nilang may sarili akong desisyon. In my nine years as Lipa City mayor, pinabayaan ako ni Ralph. Naririyan lamang siya para ako ay kanyang alalayan at bigyan ng pointers, mga payo at suhestiyon. Kung sa tingin ko namang makakabuti, ay akin namang ginagawa. Pero in the end ay ako pa rin ang dumidiskarte at nagde-decide ayon na rin sa pangangailangan ng mga constituents ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN