PEP EXCLUSIVE: Ciara Sotto: Who me? Pregnant? Haha!

IMAGE 0


"I was so laughing at it! I expected it na. It usually happens to young stars who all of a sudden leave for the States," says Ciara Sotto about the rumor that she is pregnant.


Sa pamamagitan ng email ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress-singer na si Ciara Sotto na kasalukuyang nasa Las Vegas. Sinagot ni Ciara ang ilang mga intrigang ipinupukol sa kanya dahil sa pag-alis niya ng bansa.

Ayon kay Ciara, marami siyang pinagkakaabalahan sa Las Vegas ngayon, gaya ng voice lesson at dance training.

Inusisa ng PEP si Ciara tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu na nagdadalang-tao siya, kaya't sa kalagitnaan ng kampanya ng kanyang amang si Tito Sotto noong nakaraang eleksiyon ay lumipad siya sa United States kasama ang inang si Helen Gamboa. Ayon kay Ciara, natawa raw siya sa iniisip ng mga tao sa kanya sa Pilipinas.

"I was so laughing at it!" sabi ni Ciara sa kanyang email. "I expected it na. It usually happens to young stars who all of a sudden leave for the States."



Bukod sa isyung buntis si Ciara, isa pang kumakalat na balita ay ang paghihiwalay diumano ng kanyang mga magulang. Ilan sa mga itinuturong dahilan ay ang pagkakaroon diumano ng ibang babae ni Tito at nandiyan din ang sitsit na nadiskubre raw ni Helen na may anak daw si Tito sa ibang babae.



"I have no idea where that is coming from," ani Ciara. "Sometimes, people are envious of the fact that we have a very happy and blessed family. And the wonderful marriage my mother and father share is very rare in show business. I believe so, too, that it was something they came out with to try and destroy my father's reputation during elections."



Nagugulat din daw si Ciara sa pagkaka-link ng kanyang ama sa singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.



"It's so weird. They don't even have a connection. Unbelievable! My Dad would never do anything to jeopardize his marriage," pagtatanggol ni Ciara.

Katulad na ng alam ng lahat, natalo nitong nakaraang eleksiyon si Tito. Paano kaya tinanggap ng pamilya nina Ciara ang pagkatalo ng ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Everything's fine. We are Christians, we accept whatever God's will is. Life goes on as it should," sabi ni Ciara.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng detalye si Ciara kung saang theater-restaurant sa Las Vegas siya nagpe-perform or magpe-perform at kung sinu-sino ang mga kasama niya. Pero sa My Space account niya ay may mga pictures doon na makikitang kasama niya sa Las Vegas sina Rizza Navales at Karlyn Bayot (kapatid ni Lani Misalucha).



Ayon sa email ni Ciara, her job is similar to Lani and Martin Nievera's, although hindi sila magkakasama.

"It's a show in a dinner theatre. A lot of singing and dancing. That's all I can say right now. There are five other girls performing with me," maikli niyang paliwanag.



Tinanong din si Ciara ng PEP kung bakit kinakailangan pa siyang samahan ng kanyang ina, na naging dahilan upang pansamantalang maiwan ni Helen ang iba niyang mga anak, ang kanyang mga apo, at si Tito sa kasagsagan ng kampanya?



"I'm the only single child they have," paglilinaw ni Ciara. "We should understand her concern—my safety, my welfare, and the negotiations here. We all felt bad that we both had to leave during that time. But my Dad said I should go and see what's in store for me here while they're very interested in me."



In six months time, titingnan daw ni Ciara kung makakauwi siya pansamantala sa Pilipinas. Pero kailangan din niyang bumalik sa Las Vegas to continue what she's doing at kung anuman daw ang magiging kapalaran pa niya in God's will.



Nang tanungin namin si Ciara kung sinu-sino ang mga taong nami-miss niya sa Pilipinas habang nasa Las Vegas siya, hindi niya nakaligtaang banggitin ang kanyang Eat Bulaga! family, her friends, loyal fans, family, and, for the first time, nagawa niyang banggitin ang "my boyfriend"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa huli, hiningan ng PEP si Ciara ng mensaheng gusto niyang iparating sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

"To my fans and supporters, I miss you all, I love you so much, I promise to try and do my best to make all of you more proud of me. It's not always easy being an artist, but I think I have to go through all these challenges for my betterment.

"I would never hide anything that you deserve to know... Let them judge me all they want, I know myself and God never sleeps. Like I always say, He is in control, always.

"I know I can't please everybody, and not everyone will believe me, but the truth will always come out. I had to leave quietly and abruptly because there is an agreement between my party and the producers to keep this project confidential."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN