Shaina Magdayao torn between Rayver Cruz and John Prats?

IMAGE 0


Young actress Shaina Magdayao is now being linked to both John Prats (left) and Rayver Cruz (right).


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng 2007 Metro Manila Film Festival official entry na Katas ng Saudi sa V Mall sa Greenhills noong June 7. Nakausap namin doon ang young actress na si Shaina Magdayao, na gumaganap na anak nina Lorna Tolentino at Jinggoy Estrada sa pelikula.

Siyempre, ang tungkol kina Rayver Cruz at John Prats ang una naming tinanong sa young actress. Ayon kay Shaina, nanliligaw pa rin sa kanya si Rayver at hindi raw totoong tumigil na ito dahil sa intriga kina Shaina at John.



Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagli-link kina Shaina at John, lalo na ngayong break na ang young actor sa girlfriend nitong si Miakka Lim. Balita pa nga na may nakakita raw na magkasama sina Shaina at John sa Libis, Quezon City.

"Nagtataka po ako kung bakit nagkaroon ng ganoong issue na nakita kaming magkasama nang araw na ‘yon. Sabi pa, maaga raw nandoon si John, samantalang gabi naman ako nagpunta doon at ang nakita ko si Camille [Prats, John's sister] with her friends. Kahit po ang pakikipag-break daw ni John kay Miakka, sabi ay dahil sa akin. Wala po akong alam doon."

Tinanong din namin ang nakababatang kapatid ni Vina Morales kung paano ba manligaw si Rayver.

"Maalaga po siya. Consistent sa pagtawag sa akin araw-araw kapag hindi kami magkasama. Pero most of the time po, parati naman kaming magkasama," sabi ni Shaina.

Sa July 4 ay nakatakdang umalis sina Shaina at Rayver, with Bea Alonzo & John Lloyd Cruz and Kim Chiu & Gerald Anderson, for a series of shows sa ilang cities sa United States.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN