Yilmaz Bektas wants Ruffa Gutierrez to celebrate her birthday with him

IMAGE 0


After throwing accusations against estranged wife Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas allegedly wants Ruffa to be with him on her 33rd birthday in Barcelona, Spain. Ruffa will be turning 33 on June 24, which is also her first day as a regular host of The Buzz.


Mukhang masidhi talaga ang pagnanais ni Yilmaz Bektas na muling makita at makasama ang asawang si Ruffa Gutierrez dahil gumagawa siya ng lahat ng paraan na makausap ang mga taong tutulong sa kanya para mapabalik si Ruffa sa kanya. Ang huli diumano niyang kinausap ay si Deo Endrinal, Vice President for Talk, Reality, and Variety shows ng ABS-CBN. Si Deo ang may hawak ng The Buzz, ang showbiz talk show na ihu-host officially ni Ruffa sa June 24.

Isang very reliable source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang nagsabi na gumawa raw ng paraan si Yilmaz na mahanap at makausap si Deo. Nang finally ay makausap na niya si Deo, sinabi nitong gusto niyang makasama si Ruffa sa June 24, birthday ni Ruffa, sa bahay nila sa Barcelona, Spain.

Tinanong daw ni Yilmaz si Deo kung totoong nag-sign ng contract si Ruffa sa ABS-CBN. Nang sagutin daw ni Deo na totoong nag-sign ng one-year exclusive contract sa kanila si Ruffa, tinanong naman daw ni Yilmaz kung puwedeng payagan ni Deo na umalis ng three to four days si Ruffa para makasama nga niya sa birthday ng actress-beauty queen.

Sumagot daw si Deo na hindi puwede dahil may birthday celebration si Ruffa sa The Buzz sa June 24. Iyon din ang opisyal na pag-welcome sa kanya sa show bilang regular host, kapalit ni Kris Aquino. Nagdesisyon na si Kris na iwanan ang show para sa dalawang bagong shows na ibinigay ng ABS-CBN sa kanya, kapalit ng The Buzz at Pilipinas, Game KNB?.

Nagalit daw si Yilmaz at nag-threaten pa ito kay Deo.

It seems ini-enjoy na ni Yilmaz ang publicity na ibinibigay sa kanya ng mga shows dito sa Pilipinas at parang ayaw na niyang huminto. Mamayang gabi sa 24 Oras, may sagot na naman daw si Yilmaz sa mga sinabi ni Ruffa sa Startalk last Saturday at sa The Buzz kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kay Ruffa naman, last na raw niyang pagsasalita sa The Buzz dahil nasabi na niyang lahat ang dapat niyang sabihin. Ang ina naman ni Ruffa na si Annabelle Rama ay pinahinto na rin daw ng husband niyang si Eddie Gutierrez para matigil na ang issue.

Gusto na ni Ruffa na tuluyan nang mag-move on. Sa 33rd birthday niya sa June 24, isasabay na raw niya ang celebration niya bilang isang free woman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN