Yilmaz Bektas denies beating up Ruffa Gutierrez

IMAGE 0


Yilmaz Bektas issued his statement in a phone interview with GMA-7 primetime news, June 11. He admitted slapping Ruffa when he learned she was still married to Richard Daloia.



Patuloy pa rin ang sagutan ng mag-asawang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas sa media. Dahil sa pag-amin ng pambubugbog diumano kay Ruffa ng asawa, muling nagbigay ng pahayag ang Turkish businessman upang idepensa ang sarili.

Sinabi ni Yilmaz sa isang phone interview sa GMA-7 primetime news program na 24 Oras, June 11, na hindi totoo ang mga kuwento ng pambubugbog ni Ruffa. Ngunit inamin niya na nasampal niya ang aktres.

Ayon sa kanya, "She's saying that he beat me, he hurt me. If I say no right now, she cannot prove it because she [does] not have evidence. But I'm not gonna use her style. I'm not gonna decline this. I am admitting when I learned that she has a previous marriage and she did not divorce with this person, I was feeling anger and upset and I slapped her.

"Yeah, I slapped her," pag-amin ni Yilmaz. "But when she was going back to Philippines every time and she's to front of, coming front of camera when she arrives. You can check the previous recording. If you're gonna check her face, her legs or her arms has any damage or something you can't understand."

Ngunit hindi ito masyadong binigyang pansin ni Ruffa. Sa taped interview sa kanya ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinabi ng aktres, "Well, you know, he can deny all he wants. It's a known fact, everyone knows. Our friends know, the people in Turkey know what kind of a person he is, and God is my witness.

"So, siyempre hindi naman niya aaminin ‘yon dahil it paints him as a monster, and which ayoko sana talagang gawin kasi may mga anak nga kami. Pero gusto ko kasing maintindihan ng mga tao kung bakit ayaw ko nang bumalik doon [sa Istanbul]."

Lubos din ang paniniwala ni Yilmaz na may ibang lalaki diumano si Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ruffa Gutierrez next to the one person last three months. When we are taking to one place, she's switching cars going to the next. She's say 'Well, you're cheating on me two years ago, I can cheating on you too,'" kuwento ni Yilmaz.

Subalit mariing itinanggi ito ni Ruffa.

"Alam nyo naman si Yilmaz, e, napaka-wild ng imagination niya. You know, patay lang ang phone ko ng dalawang araw, saan-saan na raw ako nagpupunta. He did not realize that I just don't want to speak to him," paliwanag niya.

Ang tanong ngayon ng ilan, patunay kaya ang mga palitan ng pahayag na ito na wala nang natitirang pagmamahal sa pagitan nina Ruffa at Yilmaz?

"I'm sorry not for myself anymore. Of course, I'm not sorry for Ruffa too, or her mom. I am sorry for my two child," sabi ni Yilmaz.

Para naman kay Ruffa: "Right now, talagang I have no love left except for the mere fact that he's the father of my kids. May maganda kaming pinagsamahan, but because of all the threats that he's been casting on me and my parents, you know, bumaba na talaga ang respeto ko sa kanya."

Bilang mensahe ni Yilmaz kay Ruffa, sinabi nitong "You know, she's not scare to me. I don't know why you're not scare to me. You should scare to me not because I'm bad to you, [but] because you're witness to so many things. Please don't scare with me, scare to God. Please, why are you lying for everything?"

Sa bandang huli, hinihiling na lamang ni Ruffa na sana ay matapos na ang sagutang ito at sana ay tumigil na rin si Yilmaz sa pagtawag sa mga tao.

"I just wanna end it already," ani Ruffa. "This is enough. You know, he said, she said. Ano ba 'yan? It's like ridiculous. So, that's it, whatever he says, hindi ko na siya papatulan. He can act like a crazy person and say whatever he wants to say. I will just focus on my work. I will focus on the kids, and I'll focus on making myself happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN