Alessandra de Rossi: I'm not anorexic.

IMAGE 0


"Talagang natural lang sa akin ang pagiging payat. Ganito naman ako ever since, e. Thirteen pa lang ay ganito na ako, pero malakas naman akong kumain," says Alessandra de Rossi.



Sobra ang ipinayat lately ni Alessandra de Rossi. Ninety pounds na lang ang timbang ngayon ng morenang Filipino-Italian young actress at 23 inches naman ang kanyang waistline.

Pero, itinanggi ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi na isa siyang anorexic.

"Hindi, wala akong sakit na ganyan," diin niya. "Talagang natural lang sa akin ang pagiging payat. Ganito naman ako ever since, e. Thirteen pa lang ay ganito na ako, pero malakas naman akong kumain.

"Kaya lang ay mas payat nga ako ngayon dahil kagagaling ko lang sa sakit. Nagkaroon kasi ako ng infection sa ihi dahil nagpigil ako ng pag-jingle sa isang charity show," kuwento ni Alessandra nang dalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magpakailanman ng GMA-7 para sa episode, "The Allan James Rafael Story."



Baka naman sa sobra niyang kapayatan ay matsismis siyang nagdo-droga?

"Naku, grabe naman ‘yan! Kung sino man ang magkakalat ng tsismis na ‘yan ay baka nababaliw. Ang cheap niyan!" nakangiting tili ni Alex, who will turn 23 on July 19.

Sa episode na ito ng Magpakailanman ay ginagampanan ni Alex ang papel ng isang babae na iniwan ang kanyang mister na naaksidente at halos naging gulay. Pero sinabi ng young actress na iba siya kung magmahal at hindi niya magagawang iwan ang kanyang mahal sa ganoong sitwasyon.

"Kung mangyari ‘yon sa akin in real life, hindi ko iiwan ang asawa ko, nandoon ako sa tabi niya hanggang kailangan niya ako," sabi niya.

Paano ba magmahal si Alessandra?

"Dyusko, ilang beses na ngang niloko, tinatanggap pa! Hindi pa ba pagmamahal ang tawag doon? Sobrang martir talaga ako kung magmahal," aniya.

"Pero alam ko rin kung hanggang saan ako dapat maging martir. Kapag sinabi kong hindi, hanggang doon na lang talaga ‘yon. Pero ako, naumpog na talaga ako, e!" natatawa niyang sabi.

Sinabi pa niyang hindi naman porke martir ang isang babae ay tanga na rin ito kapag in love. "Sobra lang magmahal kapag ganoon at depende rin kasi sa sitwasyon," dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Alex, masaya siya kahit eight months na siyang loveless dahil mas nagagawa niya ngayon ang mga bagay na gusto niya.

"Gumigising ako sa umaga na walang iniisip, masaya ako. Lahat puwede mong maging kaibigan, lahat puwede mong kasama dahil walang magre-react na ganyan. Sa taping, lahat ng lalake ay puwede mong tsikahin na hindi iisipin ng iba na 'Hindi kaya lumalandi ito?'

"Puwede ka ring makipag-text, makipag-chorva, basta wala lang dyowa. So, okay lang kahit walang boyfriend," pabirong pahayag niya.

Sino naman kaya sa limang naging boyfriend ni Alex ang minahal niya nang husto at hindi niya makakalimutan?

"Well..." tawa niya. "Lahat naman ay minahal ko, pantay-pantay sila. Simula kay Biboy Ramirez, Oyo Sotto, Polo Ravales, isang non-showbiz, at si Jeremy Marquez. Lahat sineryoso ko, lahat ay pinangarap kong sana ay siya na, pero hindi nangyari ‘yon, e.

"Pero alam kong darating din ang right papa for me, pero sana ay huwag muna ngayon dahil gusto ko munang mag-enjoy sa buhay ko. Pero kapag dumating e, di go. Huwag nating pigilan!" natatawang sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN