Dolly Anne Carvajal asserts she has been vindicated

IMAGE 0


Dolly Anne Carvajal: "To Ruffa and Annabelle, haven't you lied enough since the [Manila] Film Fest scam? Do you expect people to believe your story about Yilmaz beating you up? What script will you think of next?"


Sa Showbiz Central last week, June 3, ay nagbitaw ng masasakit na salita si Annabelle Rama laban sa entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal. Hindi ito nagustuhan ni Dolly Anne at ng pamilya niya.

In a span of one week, mas marami ang naglabasang balita tungkol sa pinakamainit na issue ngayon nina Ruffa Gutierrez at ang Turkish husband nitong si Yilmaz Bektas. Lumabas na rin ang mga naunang isinulat ni Dolly Anne tungkol sa pagpapakasal diumano ni Ruffa sa isang Richard Daloia kung kaya't hinimok ng Showbiz Central na ang columnist naman ang mag-guest sa show kanina, June 10.

Series of text messages na lang ang ipinadala ni Dolly Anne na inilabas naman ng Showbiz Central. May request lang si Dolly Anne na huwag ma-edit ang kanyang full text messages at ito naman ang ginawa ng said GMA-7 showbiz talk show.

This is Dolly Anne's message in full na natanggap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal):

"The recent turn of events in the Ruffa-Annabelle-Yilmaz circus have vindicated me. The truth was with me all along. Annabelle's lambasting me on TV and concocting lies about me just shows that all her money can't buy class.

"My Ma [Inday Badiday] raised me well and I worked hard for my UP [University of the Philippines] cum laude diploma and most of all, HINDI KAMI PALAMUNIN ng mga anak ko ni Annabelle. I'm a single mom struggling to make ends meet but I don't owe Annabelle a single cent. Once lang ako naglambing sa kanya many Christmases ago. But that does not give her the right to belittle me. I may not have the kind of money she has, but in the world my Ma raised me in, the best things are not things.

"Thank you to everybody who believes me and believes IN me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To Ruffa and Annabelle, keep your words sweet because you'll never know when you would have to eat them."

Inulit ni Dolly Anne na sana ay huwag itong ma-edit dahil sobrang hindi na raw makatao ang panlalait ni Annabelle sa kanya last week. She personally thinks Showbiz Central owes it to her.

May idinagdag pang message si Dolly Anne nang nakausap niya raw si Ylmaz, who is in Africa right now.

Malamang na hindi na niya ito isulat kung ano man ang napag-usapan nila dahil pinapatigil na rin daw ng pinagsusulatan niya, ang Philippine Daily Inquirer, na mapalaki pa ang issue.

Dagdag niyang message after having a long talk with Yilmaz: "To Ruffa and Annabelle, haven't you lied enough since the [Manila] Film Fest scam? Do you expect people to believe your story about Ylmaz beating you up? What script will you think of next? I got a surprise call from Yilmaz last night. I believe him because hindi siya showbiz and he has no hidden agenda. You can go on lying to the public but how long will you keep lying to yourself?"

Sa The Buzz naman kanina, mariin ding sinabi ni Ruffa that Dolly Anne was never vindicated since she never admitted anything.

Hindi na rin daw sasagot si Dolly Anne dahil na-drain na rin siya. Sana lang daw ay tigilan na rin siya ni Annabelle.

From another source, nagkausap na rin daw sina Annabelle and Douglas Quijano, and Ruffa's mom has told the manager na hindi na rin siya magsasalita.

Meanwhile, may pahabol na message si Dolly Anne sa mga Pepsters (ang tawag ngayon sa mga PEP readers). Nagpapasalamat daw siya sa lahat ng mga naniniwala sa kanya. Inamin ni Dolly Anne na nagbabasa siya ng PEP at natutuwa siyang marami ang kumakampi at naniniwala sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN