FIRST READ ON PEP: Claudine Barretto angry over malicious circulation of sister Gretchen-John Estrada photo

IMAGE 0


"I cannot explain the actions of Gretchen. Pero sobra akong nagagalit sa nagkalat nun," says Claudine Barretto about the controversial photos of her sister Gretchen Barretto with John Estrada.


Ikinuwento ng aktres na si Claudine Barretto sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-spill daw siya ng protein sa kanyang ihi noong Linggo, June 10. Ang medical term sa kundisyong ito ay proteinurea.

May pagkakataon din daw na nawalan siya ng malay.

Ayon sa aktres, na-stress daw kasi siya sa lumabas na mga larawan ng kanyang ate na si Gretchen Barretto at ni John Estrada na kumalat sa Internet. Hindi rin maitago ni Claudine na apektado siya rito.

Kuwento pa ni Claudine, dalawang araw raw siyang pinag-bed rest ng kanyang doktor. Nasa last term na kasi si Claudine ng kanyang pagbubuntis sa kanilang unang anak ng mister niyang si Raymart Santiago.

Hindi rin ikinaila ni Claudine na galit na galit siya dahil sa mga pangyayari, lalo pa sa mga malisyosong nagkalat ng larawan.

"I cannot explain the actions of Gretchen. Pero sobra akong nagagalit sa nagkalat nun," sabi ni Claudine sa panayam sa kanya ng PEP bandang alas-otso ng gabi kanina.

May ideya na rin daw siya kung sino ang nagkalat ng nasabing larawan nina Gretchen at John.

Sinabi rin Claudine na maayos na ang kanyang pakiramdam ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN