Claudine Barretto blames John Estrada for circulation of controversial photos

IMAGE 0


"I really pray I don't bump into John soon or in the near future. Ewan ko na lang kung ano ang magawa ko!" says a fuming Claudine Barretto about John Estrada, whom she blames for the circulation of the controversial photos of her sister Gretchen and the actor.



Galit na galit si Claudine Barretto nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkalat ng kontrobersiyal na larawan kung saan magkalapat ang mga labi ng ate niyang si Gretchen Barretto at si John Estrada.

Ayon kay Claudine, responsibilidad daw ni John ang ingatan ang ganito ka-sensitibong litrato, lalo pa't cell phone ng aktor ang ginamit sa pagkuha ng mga nasabing larawan.

"Telepono na niya ‘yon, e. I don't understand the point kung bakit may mga lalaki na dapat magtago ng mga pictures na ganyan. Kung talagang gusto niyang itago ‘yon at wala siyang planong i-erase ‘yong ganyang pictures, sana ipa-blow up na lang niya at inilagay sa picture frame! Kasi aanhin niya ‘yon, ipagyayabang ba niya?" Nagpupuyos sa galit si Claudine.

Apektado si Claudine dahil babae ang kapatid niya. Ang ipinanggigigil daw niya ay kung bakit tila si Gretchen lang ang apektado sa isyung ito.

"Buti sana kung lahat apektado. Si Gretchen ang nasa harap, e, siya ‘yong dyina-judge. It's always ang babae naman, siya ang victim dito. Hindi ko sinasabing tama kung ano man ‘yong ginawa nila na lumabas sa pictures. Mas mali ‘yong intensiyon na itinago mo tapos lumabas," himutok ni Claudine, na nasa last-term na ng kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawa niyang si Raymart Santiago.

Nag-sorry na si John Estrada kay Gretchen at sa mga mahal nito sa buhay noong Lunes, June 11, sa pamamagitan ng isang press statement. Ano ang masasabi ni Claudine dito?

"Dapat naman, e, di ba?" aniya. "Hindi ba dapat siya [mag-sorry] after everything? Kaya lang, dapat first day pa lang, lumabas na siya, nagsalita na siya. Pero hindi siya mahanap."

Nalulungkot daw si Claudine para sa mga apektado ng isyung ito, lalo na ang mga mahal niya sa buhay.

"It's no joke! Nasa Internet ‘yan, e. Nag-i-Internet na ‘yong pamangkin ko, di ba?" pagtukoy niya sa anak ni Greta kay Tonyboy Cojuangco na si Dominique.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang huling balita ko sa Ate ko," patuloy niya, "hindi siya nakakatulog at hindi rin siya nakakakain. Sobra siyang upset sa mga nangyayari. Last Friday [June 8] ko siya nakausap at siya ang nagsabi sa akin tungkol sa isyu. Hindi niya pinapahalata, pero alam ko ang nararamdaman niya. Ayaw niya lang akong maapektuhan dahil pregnant ako.

"I really pray I don't bump into John soon or in the near future. Ewan ko na lang kung ano ang magawa ko!" ang sabi ni Claudine nang hingan namin ng mensahe para kay John.

Matatandaang nito lamang taon nagkabati sina Claudine at Gretchen pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikibuan. Ngayong ayos na ang lahat sa pagitan nila, ipinapakita lamang ni Claudine ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang kapatid.

Samantala, hindi pa rin daw alam ni Claudine ang tungkol sa annulment case na isinampa ng isa pa niyang kapatid na si Marjorie Barretto para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Dennis Padilla.

"Ewan ko, di ko alam ang mga nangyayari sa mga kapatid ko... Hay, naku!" patawang sinabi ni Claudine.

"Whatever happens, he's [Dennis] going to be part of our family. We love him. We're still praying na maayos lang lahat," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN