Ryan Agoncillo to propose to Judy Ann Santos at her anniversary show?

IMAGE 0


Young superstar Judy Ann Santos will celebrate her 20th anniversary in show business via a special concert tomorrow, June 16, at the Araneta Coliseum. Rumor has it that Juday's boyfriend, Ryan Agoncillo, will propose to her on that day.



Bukas na magaganap ang malaking selebrasyon ni Judy Ann Santos para sa kanyang ika-20 anibersaryo sa showbiz sa Araneta Coliseum entitled Bida ng Buhay Ko. Free sitting ito kaya first-come-first-served ang mga upuan.



Sa mga masuwerteng nakakuha na ng tiket, siguraduhin lang daw na darating nang maaga dahil sa opening number pa lang ni Juday ay she promised na sobrang kakaiba ang gagawin niya.



"Ay, panoorin nila! Ngayon lang nila makikita ito at hindi ko uulitin," seryosong sabi ni Judy Ann.



So far, ang never-before-seen act para sa amin kay Judy Ann ay ang pagsusuot ng two-piece. More or less, ganun ba kaseksi ang isusuot niya sa opening number?



"Basta!" tili ni Juday.



"Ikabibigla nila at sisiguraduhin kong mapapasigaw sila," pahabol niya kasunod ng kanyang malakas na pagtawa.



Biro ni Juday, binabangungot daw siya days before the show sa Big Dome. Nakikita nga raw ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo na lagi siyang tulala.



"This is the first time na nakaramdam ako ng kaba, takot, excitement, saya, sabay-sabay. Na hindi ko alam kung paano ko iha-handle. Kidding aside, natutulala ako whenever I think of June 16.



"Kasi hindi ko alam kung ano ang ie-expect ko. Kung ano ‘yong puwede kong ipakita sa mga tao at kung mare-reach ko ‘yong expectations nila sa palabas. Pero kampante naman ako na maganda naman ‘yong ibibigay namin na show sa kanila. It's just that siyempre first time kong mag-show sa Araneta Coliseum. Parang ang bigat na parang kung alam ko lang..." pahayag ni Judy Ann.



Sa mga naging leading men ni Juday, sina Ryan at Wowie de Guzman lang ang nakarelasyon niya off-screen. Two years daw silang on-and-off ni Wowie. Umamin din si Juday na muntik na ring maging sila ng yumaong si Rico Yan.



Sa taping ng Homeboy noong Martes, June 12, guest sina Juday at Ryan. Doon ay tinanong ng host na si Boy Abunda si Juday na kung magpo-propose sa kanya si Ryan ngayon, ano ang isasagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Yes!" super tamis na sagot ni Juday sabay ng malakas na hiyawan sa loob ng studio.

Dahil dito, posible raw na magkaroon ng marriage proposal sa anniversary show ni Judy Ann bukas. Matatandaan na sa Araneta Coliseum din unang inihayag sa publiko ang tunay nilang relasyon sa concert ng MYMP.

And what a pleasant scenario if ever dahil nalaman namin from a source na inimbita ni Judy Ann ang parents ni Ryan sa kanyang anniversary show.

Kaya abangan bukas kung papayag na ngang maging Mrs. Ryan Agoncillo si Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN