Jodi Sta. Maria denies leaving her husband with their son

IMAGE 0


Actress Jodi Sta. Maria will be turning 25 years old tomorrow, June 16. Jody dispels rumors that she and her husband, Pampi Lacson, have separated.


Of the original Tabing Ilog girls, si Jodi Sta. Maria na lang ang still active sa kanilang lahat—to think na siya pa lang ang kasal at may anak na nga. She is turning 25 tomorrow, June 16, and ABS-CBN Star Magic gave her a separate birthday press con today, June 15.

Married in Las Vegas sa isa sa apat na lalaking anak ni Senator Panfilo Lacson na si Pampi Lacson, may isa na rin silang anak na lalaki—one-year-and-a-half Thirdy (senior si Senator, junior si Pampy, at pangatlo si Thirdy).

Hindi raw problema sa asawa o sa father-in-law ang pagbabalik-showbiz ni Jodi na napapanood ngayon sa Walang Kapalit nina Claudine Barretto at Piolo Pascual. Nakilala naman daw kasi siya ng asawa niya na isang artista.

Hindi rin daw nakikialam ang kanyang famous father-in-law sa kanyang showbiz assignments and he is letting his son do the decision for their family.

Recently, napabalitang nag-away raw sina Jodi at Pampi, causing her to leave their house with their child at bumalik sa bahay ng mommy niya. Puro "not true" ang isinagot ni Jodi.

"We had our tampuhans but never a major quarrel for me to leave our house. Totoong umuuwi ako once a week sa bahay ng mommy ko kasama si Thirdy, pero kasama pa rin siya minsan," sabi ni Jodi.

Sa ngayon, bukod sa Walang Kapalit, busy si Jodi sa bagong bahay nila ni Pampi sa BF Parañaque.

"The original house was constructed in the ‘80s, pinapa-renovate namin from the ground up. Excited na nga ako kasi tumutulong ako sa pagde-design with our interior decorator. It has a zen kind of look," paglalarawn niya sa kanilang bahay.

Bago magtapos ang interview, may nagpaalala kay Jodi na before her wedding kay Pampi noon, na-interview ang ex-boyfriend niyang si Baron Geisler about this at maluha-luha raw itong sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Smile na lang si Jodi.

Recently, in the news palagi si Baron for his supposedly wanton drinking and brawling. May nagtanong kay Jodi na hindi kaya nagkakaganito si Baron dahil sa pagpapakasal niya?

"Lahat ng ginawa niya, choice niya ‘yon. Don't blame it on my marriage," sagot niya.

"Bago pa naman ako kinasal, ganoon na siya," ang matalinhagang pananaw ni Jodi sa kanyang ex. Hindi na siya nagpaliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN