Rosanna Roces: "Loveless ako ngayon."

IMAGE 0


"In love ako, oo, pero sa mga anak ko at sa apo ko. Wala ngang ni isang naliligaw sa akin," says Rosanna Roces.


Pinabulaanan ng dating sexy star na si Rosanna Roces ang finding ng polygraph test sa Homeboy na nagsabing totoong mayroon siyang bagong boyfriend. Ang totoo raw ay loveless ang dating sexy star ngayon.

Sa guesting ni Osang kamakailan sa Homeboy ay tinanong siya kung mayroong lalaki na nagpapaligaya sa kanya ngayon. Sumagot ng oo ang dating sexy star sabay panggigigil habang nagsasalita.



"Sabi ko in love ako, umoo siya [lie detector], pero wala!" natatawang sabi ni Osang sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.

"In love ako, oo, pero sa mga anak ko at sa apo ko. Wala ngang ni isang naliligaw sa akin," pahabol niya.



Sa isang interview kasi sa dating niyang manager na si Lolit Solis ay sinabi nitong may karelasyon ngayon si Osang, na pinabulaan naman ng dating sexy star. Bagkus ay nagpakita pa ito ng concern sa dating manager sa pagsabing hayaan na lang ito dahil may katandaan na.



"Wala, loveless ako ngayon," giit niya. "Si Jesus Christ ang papa ko at hindi ko siya ipagpapalit."

Ayon kay Osang, kababalik-loob lang niya sa Panginoong Diyos pagkatapos niyang nag-birthday noong May 25.



"Backslider ako, e, pero lumaki ako sa church. Lahat nga ng ayaw Niya ay 'yon ang mga ginawa ko," pagbalik-tanaw nito, kasama ang katiyakan sa sarili na sa kanyang pagbabalik-Diyos ay gagawin na raw niya ang tama.



"Itong mga nangyari sa akin ay parang mga blessings. Noon ay hindi ako masiyahan kahit anong dami ng pera. Di ba, may asawa ako at dapat makuntento ako? Parang may kulang palagi."



Sa pagbabalik-Diyos ni Osang ay nakakaramdam na raw siya ng kuntento sa buhay na dulot ng kanyang mga anak at apo. Malaking kasiyahan na raw sa kanya ang makitang masaya ang kanyang mga mahal sa buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN