No announcement yet from Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

IMAGE 0


"Isang araw lang ang kasal. Ang iniisip namin is the marriage that comes after the wedding. Iyong lifetime commitment, the vows that you will make," says Ryan Agoncillo about his rumored proposal to Judy Ann Santos that did not happen.


Inantabayanan ng libu-libong nagsidalo sa 20th anniversary concert ni Judy Ann Santos na Bida ng Buhay Ko sa Araneta Coliseum kagabi, June 16, ang hininalang announcement na gagawin nila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo hinggil sa inaasahang pag-iisang dibdib nila bago matapos ang 2007.



Nabigo man ang mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa, naintindihan naman nila ang paliwanag ng mga ito sa dahilan kung bakit hindi nila kailangang magmadali sa pagpapakasal.



"Isang araw lang ang kasal. Ang iniisip namin is the marriage that comes after the wedding. Iyong lifetime commitment, the vows that you will make," sabi ni Ryan sa press con right after the concert.



Ayon naman kay Juday, "Siyempre, kailangan naming paghandaan ang magiging future namin together. And siya, bilang padre de familia, he knows na kailangan niyang paghandaan ang pagdating hindi ng araw ng kasal namin kundi ‘yong pagsasama na namin bilang mag-asawa."



Sa isang portion sa nasabing concert kung saan ininterbyu ng host na si Boy Abunda ang dalawa, isa sa ipinagawa niya sa couple ay ang ikumpara ang isa't isa sa pagkain since mahilig na ay mahusay na ring magluto si Juday.



Ani Ryan, "Salad. Para siyang fresh green salad! Kasi malutong, parang ‘yong crispy leaves and the droplets of water na nagpapakita ng freshness ng mga dahon from the pag-aani. At saka kahit na anong dressing ang ilagay mo, bagay. Masarap! O, I am not using that in a naughty manner, ha?"



At kay Juday naman, ikinumpara niya si Ryan sa all-time favorite niyang pork chop. Kasi raw, "Kahit saan mo siya dalhin puwede. Hindi masisira. Kahit anong i-partner mo, masarap."



Masaya ang mga taong nanood at nakibahagi sa 20 years ni Juday in showbiz sa pamamagitan ng magandang presentation ng concert ni Direk Bobet Vidanes. Hindi na makakalimutan ng mga tagahanga niya ang first na pagsalang ni Juday sa opening number niyang sing-and-dance, belting out Beyonce Knowles and Pussycat Dolls ditties in her very sexy outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Judy Ann's concert signified so many things in her two decades in show business. Tama lang na maging isang magandang halimbawa siya para sa mga kabataan.



Ipinakita rin sa video sa nasabing concert ang community na tinutulugan ng Touch-A-Heart Foundation ng dalaga sa Hermosa, Bataan, kung saan kailan lang ay nagdala siya ng mga school supplies para sa mga mag-aaral na Aeta sa nasabing lugar.



"Iyon pa lang mga basic needs nila sa pag-aaral ang nadala ko noong pumunta kami. Nag-iipon pa rin ako ng budget for them. Dahil I want to help them. Maraming mga bata ang gustong mag-aral, pero wala silang kuryente at nakakaawa ang mga classrooms. Sa isang class, sama-sama na ang grades 1-3. At sa isang classroom naman, grades 4-6. May isang bata nga doon na ayaw nang pumasok o mag-aral. Kasi nga, paano kang makakapag-aral sa ganoong klase ng environment, na hindi na nararating ng gobyerno natin?" kuwento ng young actress.



Sa pakikitungo ni Juday sa kanyang pamilya, sasaludo ang marami. Sa kabila ng pagiging caregiver ng kanyang dakilang inang si Mommy Carol, na nalayo sa kanilang tatlong magkakapatid nang matagal na panahon, sa kabila ng paghihiwalay nito at ng kanyang amang sa Amerika na namamalagi—Juday still has a thankful and accepting heart.



"Hindi ko naman sinasabi na buti na lang at naghiwalay ang parents ko," sabi ni Juday. "Para sa akin, everything has a reason. Kung nawala man sa buhay namin noon ang Dad ko, nagpursige naman ako at dito ako napunta sa pagiging artista ko. Kung hindi sila nagkahiwalay that time, who knows? Baka wala ring Judy Ann na nagse-celebrate right before your eyes now, di ba?

"Kaya ako, whatever God gives me in my life, I know it is happening for a reason. Nagtataka nga ako, e, kasi sobrang bait sa akin ni God. Parang what did I do to deserve this?" sambit ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN