Dingdong Dantes feels bad about not being invited at Judy Ann's anniversary

IMAGE 0


"I really felt bad when I learned na pinayagan naman ang ibang GMA artists na nakatrabaho ni Judy Ann na batiin siya kahit sa VTR man lang. Nobody told me or approached me man lang. Definitely, I will gladly take it dahil kaibigan ko naman si Judy Ann," says Dingdong Dantes.


"I felt bad," ang sagot ni Dingdong Dantes sa tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hindi siya nakapagbigay ng mensahe kay Judy Ann Santos sa selebrasyon nito ng kanyang 20th anniversary sa showbiz last Saturday, June 16, sa Araneta Coliseum.

"Ewan ko po talaga. I really felt bad when I learned na pinayagan naman ang ibang GMA artists na nakatrabaho ni Judy Ann na batiin siya kahit sa VTR man lang. Nobody told me or approached me man lang. Definitely, I will gladly take it dahil kaibigan ko naman si Judy Ann," dagdag pang paliwanag ng actor-director sa PEP nang makorner namin siya sa solo press con na ibinigay sa kanya kaninang tanghali, June 18, kaugnay ng pelikulang Angels. Si Dingdong ang nagdirek ng episode na "Daddy's Angel" using his real name, Jose Dantes III.

"Kumusta naman po ang show?" tanong ni Dingdong sa amin na agad naman naming sinagot na very successful at nandoon halos lahat ng mga kaibigan at nakatrabaho ni Judy Ann sa TV and movies, except maybe for him and Piolo Pascual.

Nagtambal sa dalawang pelikula sina Dingdong at Juday na parehong mula sa Viva Films at ipinalabas noong 2005: Akala Mo at Magkapatid (with Sharon Cuneta and Christopher de Leon).

Wala naman daw natatandaang dahilan o anumang rason si Dindong para isipin niyang sinadya siyang kalimutan ng mga nag-organisa (ABS-CBN) ng naturang event, but he is still proud of Juday's accomplishments in the industry.

Nabalitaan din niyang ang mga co-GMA artists niyang sina Regine Velasquez, Jolina Magdangal, at Dennis Trillo ay tila pinayagan o napahintulutan ng GMA-7 management to greet Judy Ann, kaya medyo napag-isip daw siya considering their having a good and friendly relationship.

"We got along well during our movie working time," sabi ni Dingdong. "Hindi naman talaga umabot sa stage na romance o love, but you can never call it a fling. I believe we are good friends and I truly admire her, not just as an actress or a co-worker, but as a good person. Isa siya talaga sa mga tinitingala ko sa industriyang ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, looking forward nga raw siya to work with Juday again. Dahil may open communication lines naman sila, personal na lang daw niyang babatiin ang aktres sa tagumpay ng 20th anniversary nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN