Ethel Booba involved in bar altercation and car chase

IMAGE 0


Sexy comedienne Ethel Booba was provoked by a group of women at the Decades Bar.


Nakatanggap ng tawag ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong June 18, mula sa isang source at ibinalita ang latest controversy na kinasasangkutan ng sexy comedienne na si Ethel Booba. May nakaengkuwentro diumano si Ethel at isang grupo ng mga babae sa Decades Bar na nasa Roces Avenue, Quezon City, madaling-araw ng Linggo, June 17. Umabot pa ang pangyayari hanggang sa presinto.



Ang kuwento ng aming source ay papunta diumano ng restroom si Ethel nang paringgan ng grupo ng mga babae na ibang lalake na naman daw ang kasama niya. Nag-react daw si Ethel dahil hindi alam ng mga babae na ang kasama ng sexy comedienne that night ay ang kanyang kapatid, mga kaibigang bading, at isang kaibigang lalaki. Nag-i-enjoy lang daw ito dahil nalulungkot sa latest and last (hopefully) break-up nila ng dating basketball player na si Alex Crisano.



Ayon pa sa kuwento, nakipagtalakan diumano si Ethel sa mga babae, nagkagulo, at pinalabas siya ng bouncers sa bar. Nang magreklamo ang sexy comedienne na bakit siya lang ang pinalabas, saka lang daw pinalabas ng bouncers ang nakaaway na mga babae.



Nang magkita-kita sa labas, tuloy raw ang away ng dalawang grupo. Bago sumakay ang mga nakaaway ni Ethel sa taxi, binato diumano siya ng sandal at tinamaan sa labi. Pasalamat si Ethel dahil hindi ang bagong ayos na ilong ang tinamaan, kung hindi ay nayupi na naman ito at muli niyang ipapaayos.



Ang ikinagalit pa raw ni Ethel ay tinawag siyang "pokpok" ng mga babaeng nakaaway niya kaya niya hinabol ang taxi na sinasakyan ng mga ito, sakay ng sarili niyang kotse. Sa traffic light sa may Tomas Morato, nag-abot daw ang dalawang sasakyan. Pero bago pa makababa si Ethel, nauna nang bumaba ang taxi driver at kinumpronta siya't bakit daw siya hinahabol. Habang nagtatalo, pinaharurot daw ng mga babae ang taxi, pero hinabol ng ibang taxi drivers kaya parang may car race sa kahabaan ng Tomas Morato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang ending, pare-parehong dinala sa presinto sa Kamuning sina Ethel at ang nakabanggaang mga babae. Wala pang balita ang PEP kung magdedemanda si Ethel dahil bukod sa pambabato sa kanya ay tinawag pa siyang pokpok.



Monday morning, June 18, nalaman ng PEP na nagpa-medico legal si Ethel para siguro may ebidensiya kapag nagsampa siya ng demanda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN