Sam Milby dispels rumor that his new house is a politician's gift

IMAGE 0


Sam Milby is currently building a P10-million-plus house in Greenwoods, Pasig City. The matinee idol quickly denies the rumor that this house is a gift from a politician who lost in the May 14 elections.


Lalagpas sa P10-million pesos ang halaga ng ipinapagawang bahay ni Sam Milby sa Greenwoods, Pasig City.

Nilinaw ni Sam na taliwas sa kumakalat na balita, hindi raw ito galing sa isang natalong politician sa katatapos na May 14 elections. Ipinagdiinan ni Sam Milby na mula mismo sa kanyang mga kinita sa concerts, TV shows, movies, at endorsements ang perang ipinagpapagawa ng kanyang bahay.

Ikinagulat nga ng guwapong actor-singer ang tungkol sa tsismis na binigyan siya ng property ng isang politician, pati na ang perang ipinagpapagawa ng bahay niya.

Nag-isip nang todo si Sam at pilit niyang nire-recall kung meron siyang kilala kahit isang politician para magkaroon ng basehan ang tsismis. Pero wala siyang maisip. Ni hindi rin daw siya nangampanya sa kahit na sinong pulitiko nitong nakaraang eleksyon para matsismis tungkol dito.

Sa harap ng ilang entertainment press na nag-interview sa kanya matapos ang contract signing para sa endorsement niya sa Unisilver kagabi, June 18, na ginanap sa Mooba Bar, tinanong niya ang kanyang road manager kung meron ba silang pinuntahang affair ng kahit na sinong pulitiko.

Mabilis namang umiling ang kanyang road manager. Bawal raw sa mga talents ng ABS-CBN ang lumabas sa kahit na anong campaign rallies o miting de avance noong nakaraang eleksiyon.

Hindi apektado si Sam sa issue dahil alam niyang wala itong katotohanan.

Sa totoo lang, mas nangingibabaw sa singer-actor ang excitement sa nakini-kinitang hitsura ng bagong bahay kapag natapos na ito.

Nakapagpatayo na ng pundasyon sa lote ni Sam na may sukat na 386 sq. m. At sa loob ng anim na buwan ay tiniyak na ng contractor na matatapos ito. Pag nasunod ang schedule, may plano si Sam na doon sa bagong bahay siya magdaraos ng New Year's party.

Modern ang design ng bahay ni Sam at may dalawa itong palapag. May jacuzzi at lumalagaslas na tubig mula sa man-made waterfall. Inaasahan din ni Sam na makikita niya ang kanyang home-theater room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't worried si Sam sa mabilisang pagtatayo ng kanyang bahay sa loob ng anim na buwan, in-assure naman siya ng interior designer na magiging matibay at maganda ayon sa kanyang inaasahan ang bagong bahay.

Ang nasabing designer ang siya ring designer ng naunang bahay na ipinagawa ng aktor sa parehong subdivision.

Sa halagang hihigit ng konti sa P10M, mura na kung tutuusin ang budget nito sa construction ng kanyang bahay, kasama ang ilalagay na appliances. Pero ayon kay Sam, gagawin din kasing model house o unit ang kanyang bahay ng kumpanyang humahawak sa pagpapatayo nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN