Ruffa Gutierrez's talent fee in "The Buzz" higher than Kris Aquino's

Jun 20, 2007
Aside from regularly hosting The Buzz, Ruffa Gutierrez will also star in ABS-CBN's Kokey.

Diretsahang sinabi ng creative consultant ng The Buzz na si Roxy Liquigan na mas mataas ang talent fee ni Ruffa Gutierrez kesa kay Kris Aquino na pinalitan niya as host sa showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN. Magsisimula si Ruffa bilang host ng The Buzz this Sunday, June 24, kasabay ng kanyang birthday celebration.



Bukod sa The Buzz ay magsisimula na rin si Ruffa ng isa pa niyang show sa Kapamilya network.

After ng press con for The Buzz kahapon, June 19, ay nakipag-meeting pa si Ruffa with Direk Wenn Deramas, na siyang magdidirek ng kauna-unahang Sine Serye ni Ruffa sa ABS-CBN. Si Ruffa na ang papalit kay Alma Moreno bilang ina ni Julia Barretto at asawa ni Redford White sa remake ng Kokey.

Mismong si Direk Wenn ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balitang ito dahil two days na raw hindi sinipot ni Alma ang taping ng Kokey. Kahit daw sa story conference ay hindi dumating ang aktres, na bagong halal na konsehala din ng Parañaque.

Continue reading below ↓



Dahil sa hindi pagsipot ni Alma sa taping, instead na two days taping lang sa bahay na pinagkukunan nila ng eksena ay aabot pa sila ngayon ng four to five days. Hindi pinak-up ni Direk Wenn ang dalawang araw na taping kahit wala si Ness. Pero kailangan ulit nilang mag-shoot sa inarkilang bahay para sa mga eksena ni Ruffa na dapat sana ay si Alma.

Sa Saturday, June 23, mag-uumpisang mag-taping si Ruffa for Kokey. Ito ang pangalawang show ni Ruffa sa ABS-CBN at pangalawang beses na may pinalitan siyang artista sa mga programa ng ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from regularly hosting The Buzz, Ruffa Gutierrez will also star in ABS-CBN's Kokey.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results