Ryan Agoncillo naughtily compares Judy Ann Santos to chicken lollipop

IMAGE 0


"Chicken lollipop! Masarap papakin! Mula bata hanggang tumanda, puwedeng mangata!" says the naughty Ryan Agoncillo when asked to compare girlfriend Judy Ann Santos to food.



Sa press conference ng pinakabagong teleserye ng magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa ABS-CBN, ang Ysabella, kagabi, June 19, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging reaksiyon niya sa opening number ni Juday sa 20th anniversary concert nito last Saturday, June 16, sa Araneta Coliseum.

For the first time kasi ay nagsuot ng sexy outfit si Juday at hindi nga naitago ni Ryan ang kanyang panggigigil sa kanyang girlfriend.



"Grrr!" natatawa niyang sabi.



Lumabas din ang pagka-naughty ni Ryan dahil na rin sa mga tanong sa kanya ng entertainment press. Gaya na lang nang tanungin siyang muli kung anong pagkain niya maikukumpara si Juday.



"Sa concert, sinabi ko a fresh green salad," simula ni Ryan. "This time, since ulam ang tinatanong, I would say chicken lollipop. Masarap papakin! Mula bata hanggang tumanda, puwedeng mangata!

"Ay, ano ba ‘yon? I'm not trying to be naughty with my words, ha. Sige na nga, sabihin na lang nating pagkaing good for all. Across the board, parang ganon. Parang ‘yong food na inikutan ng istorya sa Ysabella. Parang ‘kinasal' na manok [o inasal]. Pag natikman, hindi mo na bibitawan."



Sa bawat katagang sinasambit ni Ryan—mula sa masarap papakin hanggang sa tikiman—react lang ang mga kaharap niyang press.



"Naku, don't take these words in another context. Baka ako ang maluto ni Tito Alfie [Lorenzo, Juday's manager]!" natatawang sabi ni Ryan.



In connection sa ikot ng istorya ng Ysabella, kung saan gaya sa tunay na buhay ay mahilig ding magluto ang karakter dito ni Juday, isa raw si Ryan sa naniniwala sa kasabihang, "The way to a man's heart is through his stomach."



"Naniniwala rin pero it doesn't mean it happens to persons who cook. What I mean is, cooking is a great tool of seduction. Kasi it involves the five senses. No matter what it is you are cooking—even if it is just an omelette—di ba, mula sa amoy, sa texture, sa feel, sa lasa, kahit tikman mo lang, may ibang klaseng sensation that it gives you, especially kung mahal mo ang nagluluto. I can relate because during our early dating stage, we have done several plates of food combined with the good conversations and getting-to-know stuff we did," paliwanag ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, natanong din si Ryan tungkol sa reaksiyon niya sa pagtupad ni Piolo Pascual sa kahilingan ni Juday na hindi ito maging parte ng kanyang 20th anniversary concert.



"It was in my consciousness na basta masaya si Juday at mga fans niya, okay na ako. Kahit ako, hindi ko naman alam na magiging host ako for the night. Nalaman ko lang ‘yon three days before the concert. Ang alam ko lang, manonood lang ako. Sinadya ko rin naman na hindi alamin ng magiging laman ng show.



"Before her concert," patuloy niya, "talagang there were days na tulala si Juday palagi. Dahil iniisip ang mga gagawin niya. The night before her concert, she called me. Usually kasi, meron kaming time alone. We do our thing with our other friends o kung anuman ang dapat naming asikasuhin.

"That night, she called. Magkita raw kami after midnight. So, she went all the way to Parañaque. Gusto niya lang daw mag-ride, so nag-motor kami. Nakarating kami hanggang Cavite, ikot-ikot lang. Gusto lang daw niyang magmuni-muni. After a while, na nakapag-isip na siya, okay na daw, uwi na raw kami.



"As far as Piolo is concerned, I think sila ang dapat tanungin about it. It's between them, e. I wouldn't know how to react. Kung sakaling nagkita kami [ni Piolo] there in Araneta, with whatever decisions she made, it's hers [Juday]. Alam ko rin naman kung saan ako lulugar," sabi ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN