John Lloyd Cruz being paired with younger leading ladies

IMAGE 0


"Kaya nga takot na takot ano noon, baka sabihin child abuse!" jokes John lloyd Cruz when asked why he did not court his screen partner Bea Alonzo, when he was 18 and she was only 14.


Turning 24 years old na this Sunday, June 24, si John Lloyd Cruz na kilala rin sa palayaw na Lloydie. Being one of the most important stars of ABS-CBN's Star Magic department, binigyan si Lloydie ng sarili niyang birthday press con kahapon ng tanghali, June 20, sa ABS-CBN compound.

Kararating pa lang ni John Lloyd from Singapore for a TFC-related show and he is about to leave the country again next month for Taiwan, and the next for the United States naman. In between his shows abroad, malamang daw na ang maumpisahan pa lang niya ay ang next movie niya for Star Cinema, a yet untitled movie to be directed by Cathy Garcia and opposite Sarah Geronimo. Hindi na ito remake ng Dear Heart as announced previously.

"Mayaman-mahirap ang kuwento and for a change, I get to play mayaman naman," sabi ni Lloydie na hindi pa raw nakakapag-portray ng isang papel-mayaman, even though he looks it.

"Nag-story conference na ito. Sabi sa akin, ang peg ng character ko parang Paolo Araneta type. Si Sarah naman, hindi naman ganoong kahirap, struggling," kuwento pa ni Lloydie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Someone noted na pabata nang pabata ang mga nagiging leading lady niya.

Ten years na pala si Lloydie sa showbiz and the first show that really gave him a star status then was the long-running teen show, patterned after Dawson's Creek, na Tabing Ilog, with Lloydie playing opposite Kaye Abad.

At that time, halos magkasing-edad lang sila ni Kaye kung kaya't bumagay ang tambalan nila.

Sinubukan ang tambalan nina John and Bea Alonzo sa Lorna Tolentino soap opera na Kay Tagal Kitang Hinintay. Doon nagsimula ang kanilang tambalan na naging patok din sa fans kung kaya't nasundan ito ng dalawa pang soap operas, the latest of which was the recently concluded, but sure nang may Book 2, na Maging Sino Ka Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At that time, 18 na si Lloydie at 14 pa lang si Bea.

"Kaya nga takot na takot ano noon, baka sabihin child abuse!" patawa niya.

It was the age difference na rin daw siguro kung kaya't hindi nagkaroon ng off-camera romance sina John Lloyd at Bea, kahit napabalitang naging sila nga.

"Mahirap kasi magkaiba ang pananaw namin sa buhay. Although kung tutuusin, four years lang naman ang diperensiya," sabi ng young actor.

Ngayong 24 na siya at 20 na si Bea, may kanya-kanya na rin naman silang buhay pag-ibig. One-year-and-a-half na si Lloydie at ang girlfriend niyang si Liz Uy at open na si Bea that she is dating Mico Palanca.

Ngayon naman, si Sarah na ang partner niya at mas malaki ang age gap nila.

"Ganoon talaga ‘yon," sabi ni Lloydie, sort of answering the comment na mas mabilis daw tumanda ang babaeng artista kaysa sa lalaking artista.

Baka raw ang mga next na ipa-partner kay Lloydie, ang mga bata ngayon from Star Circle Quest Kids, at natawa na lang siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN