Erik Santos and Rufa Mae Quinto working out their relationship

IMAGE 0


"Regular na uli kasi kaming nag-uusap sa cell phone," says singer Erik Santos about his girlfriend Rufa Mae Quinto.


"We're both happy!"



Ito ang mariing pahayag ng singer na si Erik Santos sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng muli nilang pagkikita at pag-uusap nang personal ng girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto. Ayaw nga lang kumpirmahin ni Erik kung tuluyan na silang nagkabalikan ng sexy comedienne.



"Basta marami pong naging problema sa relasyon namin. Pero unti-unti na po naming naaayos ang mga ‘yon," pahayag ng singer.



Mismong si Erik na raw ang gumawa ng unang hakbang para magkita at magkausap sila nang personal ni Rufa Mae.



"Pinuntahan ko siya sa bahay niya noong Wednesday [June 20]. Okay naman ang naging pag-uusap namin. Aminado naman ako na masakit sa akin ‘yong paghihiwalay namin dahil mahal na mahal ko siya," pahayag ni Erik.



Napansin din ng PEP sa pakikipag-usap kay Erik na updated na uli ang singer tungkol sa schedules ni Rufa Mae. Alam na alam na uli ni Erik ang mga lakad ng kanyang girlfriend. Aware din si Erik pati sa pag-attend ni Rufa Mae sa birthday party ni Ruffa Gutierrez.



"Regular na uli kasi kaming nag-uusap sa cell phone," pahabol pa ni Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN