Rift between Judy Ann Santos and Direk Joyce Bernal remains unresolved

IMAGE 0


It was during the filming of Don't Give Up On Us that Judy Ann Santos (right) and director Joyce Bernal (left) had their rift. Juday reportedly requested Star Cinema to remove all her kissing scenes with leading man Piolo Pascual in the movie because of boyfriend Ryan Agoncillo. This reached the Juday-Piolo fans and also started the fued between Piolo and Ryan.


Maraming wala sa special 20th anniversary concert ni Judy Ann Santos last June 16 sa Araneta Coliseum.

Piolo Pascual—Juday's expressed wish na huwag sanang mag-guest, in deference to her boyfriend Ryan Agoncillo.

Dingdong Dantes—hindi raw isinama sa list dahil very glaring nga naman na hindi naisama si Piolo na taga-ABS-CBN tapos isasama si Dingdong na taga-GMA-7 gayong dalawang pelikula lang ang napagsamahan nila.

Sharon Cuneta raw—may prior appointment daw.

Si Direk Joyce Bernal naman, hindi na rin pinaimbita.

Ayon kay Alfie Lorenzo, manager ni Juday, tunay ang tampuhan nina Direk Joyce at Juday. Nagsimula raw ito sa last movie nila together, Star Cinema's Don't Give Up On Us, na last pairing din nina Juday at Piolo. Kung matatandaan, ito rin ang ugat ng pinag-awayan naman nina Piolo at Ryan.

Nang gagawin na ang pelikulang Don't Give Up On Us, naging mag-on sina Juday at Ryan. Taking it upon herself, pinaalis ni Juday ang mga kissing scenes nila ni Piolo sa pelikula.

"First time na magkakaroon ng tunay na boyfriend ni Juday, 'yung iba naman puppy love lang," panimula ni Alfie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, June 24, sa swimming pool area ng Imperial Palace Suites.

"Gusto niya [Juday]—at hindi ito ni-request ni Ryan sa kanya—wala na siyang makaka-kissing scene on and off-screen kung hindi sila ng boyfriend niya. So, lahat ng kissing scenes sa pelikulang 'yon ay tinanggal ng Star Cinema.

"Kaya lang naloka ang lola [Juday] mo nang nalaman ng mga maka-Juday-Piolo na wala silang kissing scene, kung kaya't ang tinanong nila ay si Juday. Nagulat naman si Juday, paano nila ito nalaman? Sabi nila, kay Direk Joyce daw," kuwento ni Alfie.

Ipinakita diumano ng mga fans kay Juday ang text message supposedly galing kay Direk Joyce na pinaalis ni Juday ang mga kissing scenes nila ni Piolo sa Don't Give Up On Us. Dahil dito, nagtampo si Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito nagsimula ang gulo kina Ryan at Piolo. Isang off-the-record na reklamo ni Juday kina Direk Joyce at Piolo, na ginawa supposedly sa pelikula, at isinumbong naman kay Ryan.

May open letter si Ryan kay Piolo na ipinadala sa ilang press noon, kaya't nagkaroon ng kampihan ang magkalabang kampo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakaayos sina Piolo at Ryan, pati na rin sina Juday at Joyce.

Sa ngayon ay lumipat na sa bakuran ng GMA-7 si Direk Joyce, although puwede pa rin siyang magdirek ng pelikula para sa Star Cinema ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN