Annabelle Rama accepts Mother Lily's offer because of house renovation

IMAGE 0


"Kakausapin ko ang director at dapat di siya sisigaw ng 'Quiet!' at 'Action!' Clapper lang ang gamitin niya para hindi ako nerbiyosin," says Annabelle Rama about her comeback film.


Ang ipinare-renovate na bahay sa Dasmariñas Village sa Makati City ang isa sa mga rasong binanggit ni Annabelle Rama sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit niya tinanggap ang two-picture deal sa Regal Entertainment. Kakailanganin daw nila ng malaking pera para sa pagpapaayos ng bahay.



In fact, pati ang talent fee ni Annabelle sa bago niyang endorsement, plus ang 30 percent commission niya sa anak na si Ruffa Gutierrez, ay sa ipinapagawa ring bahay mapupunta.



"Binili ni Richard (Gutierrez) ang bahay for our family. Gusto niya bago at mas malaki ang bahay namin dahil matagal na kami sa White Plains. Mag-improve naman daw kami at nadagdagan naman ang income namin. Gusto rin niya ng bigger house at ‘yon nga ang binili niya. It's an old house at kami na ang magpapa-renovate."



Ayaw nang banggitin ni Annabelle kung magkano binili ni Richard ang ibinigay na bahay sa kanila. It's a seven-bedroom house sa 800 square- meter lot. Ibebenta nila ang bahay sa White Plains pagkalipat nila sa Dasmariñas Village.

Isang ikinatutuwa ni Annabelle sa pagbabago ng kanilang address ay mas madalas nilang makikita si Richard dahil sa The Fort ito nakatira. Ang kakambal ni Richard na si Raymond naman ang malalayo sa kanila dahil sa isang condo sa Greenhills ito nag-i-stay.



Nabanggit pala ni Annabelle na bago ang movie offers ni Mother Lily, nauna nang nag-offer ng sitcom ang ABS-CBN at talk show naman ang in-offer ng GMA-7. Pareho niya itong hindi tinanggap. Itong offer ng Regal ay hindi na niya natanggihan dahil bukod sa mataas na talent fee at hindi tumawad si Mother Lily, maganda pa ang story at kasama niya si Ruffa.



"Magaling din si Direk Joey Reyes at mapipiga niya ako, pero trial lang ito at kung magustuhan ko, puwedeng masundan. Kailangan ding kumita ito, kaya mula sa shooting hanggang sa showing, magdadasal ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin kailangan ang workshop at kung ano lang ang gusto kong ilabas, ‘yon ang ilalabas ko. Kakausapin ko ang director at dapat di siya sisigaw ng 'Quiet!' at 'Action!' Clapper lang ang gamitin niya para hindi ako nerbiyosin," sabi ni Annabelle.



Mama Dong ang nakasulat na title ng movie nina Annabelle at Ruffa, pero bago umalis sa Imperial Suites ang PEP, My Monster Mom na raw ang title na hindi sold ang una dahil negative para sa kanya ang dating at kawawa raw siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN