Dolly Anne Carvajal wants peace with Ruffa Gutierrez

IMAGE 0


"[I] don't want the people to think nagpatalo ako o sumuko. I just want closure. Kapagod na word war na wala namang patutunguhan. Waste of time and energy," says Dolly Anne Carvajal (left) in her text mesage to PEP about her rift with Ruffa Gutierrez (right).


Nabalita na at napag-uusapan ang diumano'y planong pagsuko o pagwawagayway ng puting bandila ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal kay Ruffa Gutierrez. Ito ay pagkatapos ng pagpapalitan ng mga akusasyon at masasakit na salita sa pagitan ng dalawa pagkatapos isulat ni Dolly Anne ang unang kasal ni Ruffa sa isang Richard Daloia at tungkol sa pamilya ng dating asawa ng aktres na si Yilmaz Bektas.



Tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dolly Anne para kumpirmahin kung totoong makikipag-ayos na nga siya kay Ruffa at kung kailan niya ito balak gawin.

"Yup, sis," pagkumpirma ni Dolly Anne. "Ka-drain na. But I want it to happen off-cam para walang ka-showbiz-an. At first, I was thinking of greeting Ruffa on her birthday sa [The] Buzz para peace na lahat. But on second thought, it would be better pag di sa TV para di lagyan ng ibang kulay.

"Just wanna make it clear na I'm sorry for what happened after I exposed her first marriage, but I'm not sorry I wrote it because it's the truth. I've done my job as a writer. Now, I wanna do my job as a daughter of her ninang [Inday Badiday] and that's to reach out and make peace as my Ma would want me to do if she were still alive," sabi niya sa text.

Tinanong din ng PEP si Dolly Anne kung makikipag-ayos din siya sa ina ni Ruffa na si Anabelle Rama, na lubha rin naming nabahala para sa kanyang anak.

Ayon kay Dolly Anne, "Siya ang nagsalita ng foul sa akin. Pag-pray ko na lang siya kay Ma. I guess what I wrote in ‘Mock me, mock me Annabelle' [column] says it all."



Kinabukasan, pagkatapos ng palitan namin ng text messages ay nagpahabol ulit si Dolly Anne ng isa pang text message: "Sis, paki-stress in your article na I'm not retracting anything I wrote. I'm just sorry for all the mess it caused when I exposed Ruffa's first marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Thanks talaga. Basta paki-emphasize those points I texted you. [I] don't want the people to think nagpatalo ako o sumuko. I just want closure. Kapagod na word war na wala namang patutunguhan. Waste of time and energy."



Kung kalian ito magaganap at kung tatanggapin ba ni Ruffa at ni Tita Anabelle ang move ni Dolly Anne is something na ating aabangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN