John Lloyd Cruz rides high on his acting career

IMAGE 0


John Lloyd Cruz, intensely focused on his acting career, is far from settling down. He is keenly aware of the stiff competition in the entertainment business.


Something new para kay John Lloyd Cruz ang pagbabakasyon niya sa Bangkok, Thailand, nitong nakalipas na buwan kasama ang kanyang girlfriend na si Liz Uy. He feels refreshed, sabi niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN Star Magic.

Today, June 24, is John Lloyd's actual birthday. Plano niya na huwag na sanang magkaroon ng celebration for his birthday.



"Siguro, with my family naman, tipikal na dinner lang with the entire clan. Both sa father and mother side ko," wish ni John Lloyd.



He also wishes to stay longer in the business.



Ayon kay John Lloyd, "Kasi sa tindi ng competition ngayon, ang sarap ng pakiramdam na nakakapag-celebrate ka pa. May mga interesado pa sa celebration mo and I count that as a blessing, a real big blessing.

"Kasi ang hirap na ng buhay ngayon, e. Maski artista, nahihirapan din kami to keep up with the competition. Sobrang hirap. Any minute, may bigla na lang lalabas na bagong mukha. All of a sudden, biglang sisikat. Kaya kakabahan ka. Saan ka lalagay? Saan ka lulugar?

"And ako, sa kagaya ko na nandito pa rin until now, ang mahihiling ko na lang sana ay maalagaan ko kung ano meron ako, and maalagaaan ko ‘yong mga taong nagma-matter kung sa anuman ‘yong naabot ko ngayon."

Kumusta naman ang relasyon nila ni Liz?



"Well, I can say na mas may time kami ngayon for each other," sabi ng young actor. "In the same way na may time din ako ngayon with my family. I'm enjoying it at masarap ang pakiramdam and ini-enjoy ko muna bago ko i-anticipate ‘yong nalalapit na pagtatrabaho ulit."



Sa kasal noon nina Danica Sotto at Marc Pingris ay inulan ng tukso sina John Lloyd at Liz na susunod na sa newlyweds that time. May plano na ba siyang mag-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa," mabilis na sagot ni John Lloyd. "‘Yung mga nandun sa party, parang any couple could be next. May alam ako na parang next na yata, pero I can't tell. Pero hindi kami [ni Liz]. Alam ninyo, marriage is really a beautiful thing, pero hindi ko pa siya nararamdaman."



Ayon pa kay John Lloyd, hindi pa rin daw siya ready na magka-baby. Marami pa raw siyang gustong gawin sa kanyang career, gaya na lang ng pagsisimula niya sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man sa August.



"They're still brainstorming. So, I heard there's one with Anne Curtis na teleseryeng gagawin namin. Pero as of the moment, hindi pa rin sigurado. Nothing concrete as of the moment. Hindi ko alam kung kasama pa rin si Anne sa Book 2. Basta ang alam ko, kasama ako," sabi ni John Lloyd.



Ano na ang nangyari sa movie na dapat ay gagawin niya with the Star for All Seasons at Batangas governor, Vilma Santos, sa Star Cinema?



"Oo nga, e. Kasi nagkaroon lang [ng delay] dahil nag-eleksiyon, tapos ‘yon, nanalo siya. So, I believe marami pa siyang trabaho na kailangang tapusin. Marami pang kailangang ma-establish ang bagong governor ng Batangas. And it's gonna take some time, some more time. Pero hindi ko talaga alam exactly kung kailan. Ang dinig ko, end of the year."

Totoo ba na dahil sa pagkainip kaya parang hindi na siya intersado na gawin ang movie with Vilma?



"Hindi po," mariin niyang tanggi. "Sino naman ang hindi magiging interesado na makatrabaho si Ms. Vilma Santos with the direction of Olive Lamasan? So, hindi totoo ang balitang hindi na ako interesado dahil ako po ay nag-aantay lang eagerly. Dahil kung meron man magiging highlight ng taon ko, baka ito na ‘yon in terms of my career and my craft. So, hindi ako naiinip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiinip ako in the sense na nae-excite. Actually, okay na rin na medyo nagla-lull muna. Unang-una, wala pang script. Natatakot ako na baka biglang dumating ‘yong script and biglang mag-shoot na hindi ako prepared. So, kung merong dumating na material, gusto ko sanang mabigyan ako ng mas mahabang panahon than the ususal. Okay lang din na hindi muna nagma-materialize ‘yong project," paliwanag ni John Lloyd.

Samantala, ano naman ang masasabi niya ngayong nasa Star Magic na rin si Gian Sotto, na kapatid ng ex-girlfriend niya na si Ciara Sotto?

"Ah, talaga?" tila nagulat niyang sabi. "Artista na siya? Wow! Welcome to the family. Wow, we're getting bigger."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN