TJ Trinidad willing to do gay love scenes

IMAGE 0


"Of course, I would be apprehensive at first, but I can do it. Okay lang yung makipag-kiss with a guy, okay lang din kahit may love scene. I'm an actor, it's part of my job," says TJ Trinidad about doing gay love scenes.


Medyo nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pagiging daring ni TJ Trinidad dahil game pala siyang sumagot maging sa naughty questions. Kung titingnan ay mukhang tahimik at palaging seryoso si TJ, pero carry niya rin palang makipagbiruan ng medyo may kapilyuhan.



Sabi niya sa PEP, he doesn't believe that he's sexy kaya wala siyang balak mag-pose sa sexy magazines, like X-Ray, na nagpi-feature ng male stars in their skimpiest underwear.



"I'm not buffed. At saka mahiyain ako, e!" bulalas ni TJ, sabay flash ng isang wide smile.



But when PEP asked him kung kaya niyang tumanggap ng pelikula that would require him to be a bit more sexy and show some skin, affirmative ang sagot ng binata.



"I think I can do it, but it has to be a very good script," sabi ni TJ, na kasama sa cast ng upcoming teen slasher flick from Regal Entertainment, Tiyanaks.



Nang tanungin siya ng PEP how far can he go ay sumagot siyang kaya niya ang matitinding love scenes, or even show his butt on the big screen.



"I think a butt shot is okay. Pero sabi ko nga, it would really depend on the script. It has to be integral to the story because I'm not gonna do it if it would just focus on that," mariing sambit niya.



We pushed the topic even further. Paano kung maganda nga ang script but it requires a frontal shot, kakayanin niya pa rin ba ‘yon?



"Yeah, okey lang din siguro. Kung puwedeng dayain 'yung shot, dayain na lang. Pero kung hindi puwedeng dayain, I would do it," game na game na sagot ni TJ.



A fan of well-made, critically-acclaimed films, napanood ni TJ ang 2005 gay cowboy drama na Brokeback Mountain at napabilib siya sa Oscar-nominated performances dito nina Heath Ledger and Jake Gyllenhaal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sabi niya sa PEP, if he will be offered a gay role like that ay hindi niya ito tatanggihan. Kahit pa i-require siyang makipaghalikan at makipag-love scene with a fellow actor ay gagawin niya raw ito.



"Of course, I would be apprehensive at first, but I can do it," sabi niya. "Okay lang yung makipag-kiss with a guy, okay lang din kahit may love scene. I'm an actor, it's part of my job.

"It doesn't matter if it's a gay film as long as it's a good project. Like yung Brokeback Mountain, it's not just about lust or sex, it's a very beautiful film," dagdag pa ng aktor na ang katawan ay "carpeted" all over.

Pumasok sa showbiz si TJ via the action-drama series Basta't Kasama Kita (2002) which starred Judy Ann Santos and Robin Padilla on ABS-CBN. Tapos ay naging regular siya sa Krystala (2004) at Gulong ng Palad (2005). He has a small role sa current primetime soap nina Claudine Barretto at Piolo Pascual na Walang Kapalit.

Sa big screen ay unang napanood si TJ sa Keka (2003), followed by I Will Survive (2004), Aishite Imasu (2004), Shake, Rattle & Roll 8 (2006), and The Promise (2007).

After Tiyanaks, na ipalalabas sa July 4, TJ will be next seen sa Star Cinema movie na I Don't Want You To Go starring Maricel Soriano and Aga Muhlach. He has a short role there as the brother of Aga.

At 31 years old, less than five pa lang daw ang nagiging girlfriends ni TJ. He prefers to keep his lovelife private, pero inamin niya sa PEP na may 25-year-old non-showbiz girl siyang karelasyon for over a year now.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN