Marjorie Barretto explains why she filed for annulment

IMAGE 0


Marjorie Barretto says that filing an annulment of marriage with Dennis Padilla is just a formality, yet goes on to mention how hard things were before. She and Dennis explained their separation to the children.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang kontrobersiyal at bagong halal na konsehala ng Caloocan City na si Marjorie Barretto tungkol sa isinampa niyang annulment case upang mapawalang-bisa ang kasal nila ng mister niyang si Dennis Padilla.

Matatandaan na bago pa iproklama si Marjorie bilang konsehal ay sumabog ang isyu ng hiwalayan nila ni Dennis. Mabilis naman nitong kinumpirma ni Marjorie at inaming muli siyang sinusuyo ng kanyang mister.



Kasunod nito ang pagsambulat ng balitang nagsampa na ng annulment si Marjorie, pero nanatili siyang tahimik tungkol sa isyu. Pero nitong nakaraang Linggo, June 24, lumabas si Marjorie sa reality-lifestyle show na At Home Ka Dito ng ABS-CBN na hinu-host ni Charlene Gonzalez.

Tinanong ni Charlene si Marjorie kung bakit siya nag-file ng annulment.

Ayon kay Marjorie, "Formality na lang naman 'yon, e....That's how I see it. It's just a formality. But how will I explain it ba? Bakit ko naisip? Wala, e. Actually, I really don't know. I think I'm really taking it one day at a time and I'm just trying to spend extra time pa with my kids."

Paano sinabi ni Marjorie sa mga anak nila ni Dennis na maghihiwalay na sila?

"No, kasi first before we separate, there was a series of fighting naman. So, there was parang laging may arguments. So one day, I really just sat them down and I said, ‘Okay, I really want to put an end to the tension. I wanna put an end to the fighting.' I told them everything. Kasi especially the ten- and seven-years-old, nakakaintindi," kuwento ng actress-politician.

Paano naman nila tinanggap ang balita?

"You know what? They really asked very intelligent questions. There were questions like hindi ko masagot kaagad. Dennis was also there din naman, so he had to answer some questions also," sagot ni Marjorie.

Tinanong din ni Charlene si Marjorie kung dahil ba sa situwasyon nila ngayon ni Dennis ay naging close sila ng mga kapatid niyang sina Claudine at Gretchen Barretto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes," pagsang-ayon niya. "Si Claudine, I try not to bother her so much kasi manganganak na siya. And I know it bothers her that I don't tell her everything. Pagkapanganak niya, ibubuhos ko na lahat."

As for Gretchen, na nakaalitan nila ni Claudine ng mahabang panahon, sinabi ni Marjorie na nagkausap na rin sila.

"Nakausap ko na [si Gretchen], after almost four years actually. Ang tagal, ‘no? Parang mabilis na matagal. Anyway, coz she's naman now in the limelight again, di ba?" ani Marjorie, na ang tinutukoy ay ang "kisscandal" ni Gretchen at ng aktor na si John Estrada.



"So, I texted," patuloy ni Marjorie. "She called me, and I get a lot of comfort from her now kasi mas baliw yun kay Claudine, e! So you really can count on her own troubles now. We'll talk about it a bit and then she'll go back to me, and then papatawanin na lang niya ako nang papatawanin."



On July 1, magsisimula na si Marjorie as a public official. Sad to say, isa raw sa breakthrough ay ang pakikipaghiwalay niya kay Dennis. Marami pa raw siyang plano sa buhay. Nagising na lang siya isang araw na gusto naman niyang gumawa ng isang bagay para sa kanyang sarili.



"I was running dry already. So, I wanna make something out of my life," sabi ni Marjorie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN