Toni Gonzaga goes under knife to remove keloid on her lip

IMAGE 0


Toni Gonzaga will be away from the limelight for a week after her operation to remove the keloid on her lip. Toni's lips were injured while doing a commercial shoot.


Ibinalita ng young TV host-actress-singer na si Toni Gonzaga na magpapaopera siya ng kanyang labi na nasugatan nang nangudngod ito sa flooring ng swimming pool sa isang commercial shoot. Aniya, mawawala siya ng isang linggo para sa nasabing operasyon.

"Right after Pinoy Big Brother 2 naman, I think I don't have anything yet to do. So I will also be resting, pero hindi naman isang buwan," sabi ni Toni sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng kanyang second album under Star Records kaninang tanghali, June 28.



"It's only about a week kasi pinatingin namin sa doktor, mali 'yong ginawa namin dito [pointing to her lip]. Kasi minamadali nila ako para umapir sa TV. Nilagyan lang nila kasi ng glue kaya 'yong tissue at kinonek lang, so hindi ito ini-stich. So what happened now ay nagkaroon ng spare skin and it's growing into a keloid. It's not good kasi lumalaki talaga siya and it will reach up to here [sa nose]," kuwento ng TV host-actress.



Ayon pa kay Toni, tatahiin ang laman sa loob ng kanyang bibig. Inamin din nito na kahit nilalagyan ng makapal na make-up ang parte na may tumutubong keloid ay nakikita pa rin ito, lalo na kung close-up ang kuha sa kanya.

"Specially in the morning, ayokong makita dahil ang sagwa tingnan sa salamin!" natatawang sabi ni Toni.

Masasabi niya bang malpractice ang dahilan kaya nagkaroon siya ng keloid?

"Hindi, e," tanggi niya. "Hindi mo naman siya puwedeng tawaging malpractice because I was rushed to the hospital, it's an emergency case and this is like, parang first aid nila right away to stop the bleeding. Kasi when I had the accident, this was open [pointing to her lips].



"Alam mo 'yong parang na-knockout ako ni Manny Pacquiao, na parang pumuputok ang balat ko. Mayroon akong cut dito [upper lip], mayroon akong cut dito [lower lip]. Na-skin glue lahat 'to. Bukas 'to at bukas din 'to. Ito ang pinakamalala sa lahat, tapos sabog ito, as in butas talaga siya na continuous ang bleeding," kuwento ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Toni, gusto na raw tahiin ng kanyang doktor ang kanyang sugat. Pero dahil kinakailangan niya itong ipahinga ng higit sa tatlong linggo ay hindi ito nagawa dahil tiyak na hindi ito aabot ng Big Night ng PBB 2 this Saturday, June 30.



Sinabi rin ni Toni na nahihirapan siyang tumawa noong mga unang araw pagkatapos ng aksidente dahil nararamdaman pa nito ang sakit ng sugat. Ito ang dahilan kaya nahinto panandalian ang kanyang pagre-record ng mga kanta para sa kanyang ikalawang album.

"That was our problem. In the middle of the recording, we stopped for about two weeks. The album was supposed to be launched last May. Dahil dito, natengga kami for a while. It was in the middle of the recording of the album," pagtatapos ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN