Cristine Reyes on Katrina Halili: "Hindi ko siya kaibigan, hindi ko rin siya kaaway."

IMAGE 0


"Deadma ako sa isyu. Kung may bago man kasi, wala akong pakialam sa kanya. Hindi porke nagpapa-sexy na rin ako, iintrigahin na kami," says Cristine Reyes (left) about competition with Katrina Halili (right).


Patungo na talaga sa pagpapa-sexy ang young actress na si Cristine Reyes. Hindi naman siya makapagbigay ng iba pang detalye para sa proyektong Green Paradise, na pagtatambalan nila ng isa pang susubok din sa pagpapa-sexy na si Andrew Schimmer. Hindi pa kasi natitiyak ang pag-uumpisa ng shooting nito.



"Pero iba kasi ang konsepto ng pagpapa-sexy ngayon," sabi ni Cristine. "Hindi ako aabot sa magmumukha na akong cheap. That I will assure."



Ang advantage ni Cristine ay hindi pa siya exposed sa sexy men's magazines. Hanggang ngayon ay pinagpipilian pa rin ni Cristine ang offers kung saan siya magpu-pose ng daring. Confidential din daw ang demands niya, na kailangang ma-meet ng masuwerteng magazine para siya'y mapa-oo.



Dahil dito, ipinagtatapat na sila ng ka-batch niya sa StarStruck na si Katrina Halili. Hindi naitago ni Cristine ang pagkairita sa isyung ito.



"Matagal na kasi ang isyung 'yan. Nanahimik ako. Tapos nabubuhay na naman," napapailing na sabi ng young actress.



"Deadma ako sa isyu. Kung may bago man kasi, wala akong pakialam sa kanya. Hindi porke nagpapa-sexy na rin ako, iintrigahin na kami," dugtong ni Cristine.



May dapat bang ika-insecure si Katrina sa kanya sa kabila ng pagiging Philippines' Finest ni Katrina sa FHM Sexiest Women sa ikalawang pagkakataon?



"Wala kasi akong maiko-comment diyan," sambit ni Cristine. "Ang point ko kasi, hindi ko siya kaibigan, pero hindi ko rin siya maituturing na kaaway. Ayokong magsalita ng mga bagay-bagay na pagmumulan ng gulo.



"May mga nakararating sa akin na kesyo sinasabi raw niya against me, pero ayokong mag-comment. Hindi ko rin naman alam kung talagang sinasabi niya ang mga 'yon, o sadyang may mga nang-iintriga lang sa amin," paglilinaw ni Cristine.



Kahit isa-isahin pa ang mga isyung pinagmumulan diumano ng bangayan nina Cristine at Katrina, bumubuntung-hininga lang ang una.



"Again, wala akong pakialam sa isyu," diin ni Cristine. "Umiiwas talaga ako sa ganyang mga isyu dahil kilala ninyo ako, may pagkataklesa kasi ako. Baka kung anu-ano lang ang masabi ko. Ayoko rin namang makipag-plastikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung may nakararating man sa akin na sinasabi raw niya, pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Maski nga 'yong sinasabi nilang mag-usap daw kami para matapos ang isyu. E, ano ba kasi ang isyu? Mag-uusap para saan? Ang hirap naman yatang ipilit ang isang bagay na katulad ng ganyan, na dapat ay dine-deadma na lang."



Samantala, lalo rin maikukumpara si Cristine sa kapatid niyang si Ara Mina, na nang sumubok magpa-sexy ay nabigyan ng magagandang roles at pelikula. May pressure din kay Cristine dahil ang nakatatanda niyang kapatid ay naging award-winning actress kahit nagpa-sexy.



"Parang mahirap yatang maikumpara ako kay Ate, kasi walang competition sa amin. Magkaiba kami ng level. Naroroon na siya," katuwiran ni Cristine.



Ayon kay Cristine ay kinonsulta muna niya ang kanyang kapatid sa desisyon niyang magpa-sexy. Umayon din naman si Ara, basta raw mamili siya ng roles.

"Alam ng kapatid ko na gagawin ko ito para sa career ko, not for anything else, o para may mapatunayan," sabi ni Cristine.



"Marami nang na-achieve si Ate. At para ikumpara ako sa kanya, unfair naman 'yon. Gagawin ko na lang kung ano ang makakaya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN