Katrina Halili on Cristine Reyes: "Ayoko na pong dumikit sa pangalan niya."

IMAGE 0


Katrina Halili (left) has this to say to Cristine Reyes (right): "Wala akong intensyon na awayin ka o gumawa ng isyu. At kahit kailan naman, ayokong gumawa ng isyu. So, kung ano 'yung naririnig mo, pinag-aaway lang siguro nila tayo. So, huwag ka nang pumatol at hindi na rin siguro ako magsasalita."


Obviously ay may gap ang sexy young actresses na sina Katrina Halili at Cristine Reyes, base sa mga sagot ni Katrina nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni Polo Ravales kagabi, June 26, sa Guilly's Island bar, Tomas Morato Extension, Quezon City.



Dating close friends sina Katrina at Cristine, pero tila nasira na ang magandang friendship nila dahil sa mga intriga sa pagitan nila. Aminado si Katrina na si Cristine ang palaging ipinantatapat sa kanya kaya hindi maiwasang maapektuhan silang dalawa.



"Hindi ko alam kung bakit pinipilit kaming intrigahing dalawa ni Cristine. Siguro po dahil magka-batch kami sa StarStruck," simulang pahayag ni Katrina sa PEP.

"Actually, sa StarStruck lang kami nagsama, after nun wala na. Sa akin po kasi, hindi naman ito laban, e! Walang competition. Basta ako, work lang. Trabaho lang talaga," katuwiran niya.

Bakit maugong ang bali-balita na may gap sila ni Cristine?

"Actually, wala po kaming gap. Hindi ko alam kung saan galing ‘yon," pa-safe na sagot niya.

Ngayong malapit na ring i-launch si Cristine bilang sexy star ay si Katrina pa rin ang madalas na naikakabit sa pangalan nito at madalas silang naipagkukumpara.

"Siguro dahil meron lang siyang movie kaya ganun. Hindi ko po alam. Wala kaming isyu ni Cristine," patay-malisyang sabi ni Katrina.



Bakit si Cristine mismo ang umamin sa isang interview na may tensyon sa pagitan nilang dalawa?

"E, baka siya po. Kasi, hindi ka naman magagalit o mag-iisip ng gano'n sa isang tao kung ikaw mismo sa sarili mo, wala kang galit, di ba? Ako, wala kong galit sa kanya. So, hindi ako nag-iisip na may galit siya or what..." bulalas ng sexy young actress, na for the second time in a row ay muling nag-number one as Philippines' Finest sa 100 Sexiest list ng FHM.

Hindi man lang ba sila nag-usap ni Cristine tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually po, nung dati, parang pinapansin ko pa ‘tong isyu. Pero ngayon, ayoko na! Kasi, siya na mismo 'yung napikon, di ba?

"Nung mag-guest ako sa Startalk before, sabi ko kay Tito Joey [de Leon], ‘Nanggagaya naman siya [Cristine], e!' Pero joke lang ‘yon! Binawi ko agad. Sabi ko, joke lang ‘yon!



"Actually, magkasama kami dapat nung Holy Week sa Boracay. Kasi, super-magkaibigan talaga kami ni Cristine. Ako lang ang natuloy sa Boracay, pero wala kaming away.

"Parang binigyan niya lang ng ibang kahulugan yung sinabi kong joke na ‘yon. Para sa akin, kung talagang magkaibigan kami, nag-joke man ako ng gano'n, hindi ka naman magre-react kung talagang kaibigan ang turing mo sa akin, di ba?" makahulugang sambit ni Katrina.

Bilang dating magkaibigan, hindi man lang ba sila nagkalinawan tungkol sa isyung ‘yon?

"Nung lumalabas na po 'yung isyu, nagsabi siya sa akin na, ‘Sorry, kasi nagalit lang ako. Pero okey na ‘yon.'

"Sabi ko, ‘Sana kasi, intindihin n'yo nang mabuti yung pinapanood nyo. Huwag kayong react nang react! Kasi, wala naman akong sinabing masama kung pinanood nyo yung sinabi ko, e!'"

So, as of now, may gap ba sila ni Cristine o wala?

"Sa ngayon, ayoko na pong magsalita ng kahit ano. Basta, sinabi ko po ito kasi, lahat na lang ng sinasabi ko, lagi na lang binibigyan ng ibang kahulugan. Paulit-ulit na lang po kami ni Cristine, magta-tatlong taon na po kaming magkadikit, wala naman po kaming project together!" himutok ni Katrina.

Ibig bang sabihin nito ay hindi na sila friends ni Cristine?

"Hindi naman sa hindi na kami friends, pero ayoko na pong dumikit sa pangalan niya," mariing sambit niya.

"Kasi, hindi ko naman sila inaaway, pero binibigyan nila ng kahulugan 'yung sinasabi ko. Kung ganun din lang, e, di ayoko na lang magsalita at ayoko na lang makipagkaibigan sa kanila!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If ever na hindi na rin kaibigan ang turing sa kanya ni Cristine, okay lang din ba ‘yon sa kanya?

"Dati po kasi, kahit gano'n, kung totoo man ‘yon o hindi, kapatid pa rin ang turing ko sa kanya. Pero ngayon, ayoko na pong pansinin, e! Kung papansinin niya ako, e, di pansinin niya ako. Kung hindi, e, di hindi! Ganun lang ‘yon," kaswal na hirit niya.

Ano ngayon ang gusto niyang sabihin kay Cristine?

"Wala akong intensyon na awayin ka o gumawa ng isyu. At kahit kailan naman, ayokong gumawa ng isyu. So, kung ano 'yung naririnig mo, pinag-aaway lang siguro nila tayo. So, huwag ka nang pumatol at hindi na rin siguro ako magsasalita," pakli ng seksing dalaga.

Pero malinaw ‘yon na ayaw na niyang madikit pa sa pangalan ni Cristine?

"Ayoko na po! Kasi, tatlong taon na, wala naman kaming show na magkasama!" naiiling na sabi niya.



Despite all the intrigues, open pa rin ba siyang maging friends silang muli ni Cristine?

"Basta ako, lahat ng tao, kaaway ko man o hindi, pag kinausap ako, totoong tao ako. Pero pag hindi nila ako pinansin at meron silang sinasabi sa akin na masama, wala akong pakialam sa kanila!" deklara niya.



Bakit, hindi ba sila nagpapansinan ni Cristine?

"Hindi, nagpapansinan naman po kami. Ang sa akin lang, nakakairita na po kasi yung isyu, e! Kaya sinagot ko na sana, kung magre-react kayo, intindihin n'yo muna sana 'yung isyu. Hindi 'yung react kayo nang react! Nakakairita po dahil wala naman akong ginagawang masama, e.



"Basta, lilinawin ko po, wala po akong inaaway. Sumasagot lang po ako. Kasi minsan, nakakapikon 'yung mga isyu, di ba? Siyempre, tao lang naman po ako," huling linya ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN