Cesar Montano: Going to a girlie club is "no big deal"

by Ruel J. Mendoza
Jun 27, 2007
"Even if I go to A1 or not, it's no big deal. Because I didn't do anything there that my wife [Sunshine Cruz] will despise. And I didn't go there alone," says Cesar Montano in a text message he sent to some entertainment writers.


Isang text message ang ipinadala sa amin ng aktor na si Cesar Montano kahapon ng umaga, June 26.

Kasalukuyang nasa Los Angeles, California, si Buboy (palayaw ni Cesar) at nakikipag-meeting for a possible Hollywood movie. Ka-meeting ni Cesar ang Hollywood producer na sina Marty Katz at Lawrence Bender para sa pelikulang isu-shoot ng Filipino actor by November 2007 sa Monte Carlo. Ito ay ang pagsasapelikula ng librong Babylon’s Ark na isinulat ni Lawrence Anthony.

Kasama rin sa text message ni Cesar sa amin ang pabor na sana ay matulungan siya sa paglinaw tungkol sa kumalat na balitang nagbabad daw siya ng buong magdamag sa A1: Airforce 1 na isang girlie bar sa Parañaque City.

Noong umalis si Buboy ay doon lumabas ang mga tsismis na siya raw ay nambabae sa A1 at hindi raw ito alam ng kanyang misis na si Sunshine Cruz. Nabalita pa nga na nag-away diumano ang dalawa dahil sa may nagparating kay Sunshine sa pagpunta ni Buboy sa A1.

Continue reading below ↓

Ito ang text message ni Cesar:

"Favor naman. Puwedeng pakisagot ang allegation sa akin. I'm in L.A. [Los Angeles] right now.

"Even if I go to A1 or not, it's no big deal. Because I didn't do anything there that my wife [Sunshine Cruz] will despise. And I didn't go there alone.

"I'm still a film writer, director, and film producer. An artist. I always work outside the box. I go anywhere I desire, especially if I'm on research and when I do character roles study to avoid fictionalized stories.

"But everywhere I go, I don't forget that I have a family. Don't you think getting into politics is [worse] than getting inside A1 for crying out loud? Thanks!"

Dahil nga wala rito sa Pilipinas ang aktor ay hindi niya maipagtanggol ang sarili niya. Nangako si Buboy na magsasalita siya regarding sa issue kapag maayos na ang lahat.

Magbibigay rin daw siya ng mga updates regarding sa gagawin niyang project sa Hollywood.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Sunshine Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Even if I go to A1 or not, it's no big deal. Because I didn't do anything there that my wife [Sunshine Cruz] will despise. And I didn't go there alone," says Cesar Montano in a text message he sent to some entertainment writers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results