Ara Mina no-show at ex-boyfriend Polo Ravales's birthday party

IMAGE 0


Polo Ravales held his birthday party a day before his actual birthday. Although he invited ex-girlfriend Ara Mina, the sexy actress was a no-show.


Nagbigay ng party ang sexy actor na si Polo Ravales and his manager Manny Valera in celebration of his 25th birthday. Today, June 27, ang mismong kaarawan ni Polo, pero sinalubong niya ito by doing his party Tuesday night, June 26, sa Guilly's sa Tomas Morato extension.

Halos lahat ng co-talents ni Polo sa DMV ay present—sina Alessandra de Rossi, Glaiza de Castro, Jenica Garcia, Jay Manalo, at ang tatlo sa limang miyembro ng bagong buong boy band na Boys.Dot.Com na sina Frank Garcia, Alwyn Uytingco, and Gabb Drilon. Si Polo ang pang-apat na member at si Joseph Bitangcol naman of Star Magic ang pang-lima.

Hindi rin nakalimutan si Polo ng mga former co-Viva talents niyang sina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, Marky Lopez, Viva Hot Babes Jaycee Parker and Jennifer Lee, and Viva Films head Ms. Veronique del Rosario-Corpus.

Also in the party were Alwyn's date Princess Ryan, Joseph's date Sandara Park, and Pauleen Luna who came stag.

Ang wala ay ang ex-girlfriend ni Polo na si Ara Mina.

Morning pa lang, naitanong na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ara kung pupunta siya sa party ni Polo. Hindi raw, although invited siya.

"Birthday rin ng Lolo Mel [Mathay] ko, e. Tonight ang party niya. E, si Polo naman, tomorrow pa. Ginawa niya lang tonight para salubong siguro. Tapos may kausap pa ako at may VTR interview ako for my foundation," text ni Ara sa amin morning of Tuesday.

Ayon kay Polo, bumati naman daw si Ara during his party.

Tuesday ginawa ang party ni Polo dahil Wednesday, may Lupin taping siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN