Is Toni Gonzaga falling for director Paul Soriano?

IMAGE 0


"He's not the type na manliligaw, although he is a [true] gentleman, mabait, very, very nice person," Toni Gonzaga describes rumored suitor Paul Soriano (inset).


Sa kalagitnaan ng Q&A portion ng launching ng second album ni Toni Gonzaga sa Star Records, ang Falling In Love, na ginanap kahapon, June 28, sa 14th floor ng ELJ Building ay napilitan ang TV host/actress/singer na umamin na talagang in-love siya ngayon. Kahit hindi man siya magsalita ay kitang-kita naman sa aura na umiibig ito.

Halatang sigurado na si Toni sa kanyang nararamdaman dahil nang tanungin ito ay agad itong sumagot ng "Yes!" kumpara noon na tuwing tinatanong sa mga nali-link sa kanya—tulad nina Piolo Pascual, Luis Manzano, at Sam Milby—ay di agad ito nakakasagot. Kung sumagot man si Toni ay walang katiyakan sa kanyang nararamdaman.



Ayon kay Toni, masaya siya at very much inspired these days. She's not closing her doors pagdating sa mga manliligaw dahil para sa kanya, it's just the right time para harapin nito ang hinihingi ng kanyang puso.



Sinabi man ni Toni na hindi nanliligaw sa kanya ang nali-link sa kanya na si Paul Soriano ay kitang-kita naman na gustong-gusto nito ang young director.

"He grew up in the State kasi. He's not the type na manliligaw, although he is a [true] gentleman, mabait, very, very nice person," papuri ni Toni sa young director, na apo ng yumaong artista na si Nestor de Villa at anak ng direktor ding si Jeric Soriano.



"Hindi siya [Paul] naniniwala sa courting kasi best foot forward daw ‘yon," patuloy ni Toni. "I think, gaya ng sinabi ko, he also believes na the start of a good friendship could be the courting na rin, dahil hindi lang 'yong good side of a person ang nakikita mo sa kanya."



Halatang in love ang aktres and it showed sa kanyang music video kung saan alagang-alaga ang kanyang mga anggulo. Hindi rin ito kataka-taka dahil ang direktor ng kanyang music video ay walang iba kundi si Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think so, na-inspire ako dahil guwapo ang direktor na nagdidirek sa akin," pagsang-ayon naman ni Toni. "Si Direk Paul kasi ay very professional and he has a passion for his job, his vision, at talagang mapapa-wow ka talaga. Di ko nga napapansin ang mga instructions niya dahil nakatingin na lang ako sa kanyang mukha, ang guwapo kasi!"



Kinumpirma rin ni Toni na busog na busog siya while doing the music video dahil ipinabili raw ni Direk Paul ang lahat ng paborito niyang pagkain sa set.

"I was really pampered during the shoot. Ang akala ko, parang may franchise ng isang convenience store dahil nakahilera lahat ng paborito kong pagkain. Tagalang nag-effort siya," nakangiting sabi ni Toni.



Masasabi ba ni Toni na panliligaw na ito sa parte ni Paul?



"Siguro, in a way, panliligaw na rin ito," sagot niya. "O baka ganun naman talaga si Direk kung may mga shoot siya. Ganun din naman siya sa iba, pero mas marami 'yong sa akin ng konti!"



Ikinuwento rin ni Toni ang pagpunta ni Paul sa kanilang tahanan sa Taytay, Rizal, at ito ay nangyari noong nagpapahinga siya dahil sa natamo niyang aksidente.

"Actually, okay naman ang parents ko. Hindi ko naman masasabi na boto sila kay Direk Paul dahil di ko naman sila tinanong. Pero pakiramdam ko, nababaitan sila sa kanya," kuwento ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN