Polo Ravales confined in hospital due to chest pain

IMAGE 0


Sexy actor Polo Ravales was watching the Hollywood flick Transformers when he felt chest pain. When the pain persisted, he checked in at Medical City.


Kasalukuyang naka-confine sa Medical City ang sexy actor na si Polo Ravales pagkatapos sumikip ng kanyang dibdib habang nanonood ng pelikulang Transformers sa Promenade Theatre sa Greenhills, San Juan, kagabi, June 29.



Kasama ang kapatid na si Ashley (na ipinakikilala na rin as one of the new stars of ABS-CBN), habang nanonood si Polo ng sine ay nakaramdam daw siya ng pananakit ng kanyang dibdib at medyo may kahirapang huminga. Lumabas ito sandali sa lobby ng sinehan, pero nang nagpatuloy ang pananakit ng kanyang dibdib ay nagdesisyon si Polo na tumuloy na sa Medical City, sakay ng kanyang kotse.



Dito napag-alaman na overfatigue umano ang malamang na dahilan ng kundisyon ni Polo dahil sa trabaho. Although may nag-speculate din na baka may naging epekto rin ang pag-take ng aktor ng supplements, na karaniwan nang iniinom ng mga kalalakihan na nagdyi-gym. Common knowledge kasing may side effects ang ibang supplements na tine-take ng gym goers.



Laging laman si Polo ng gym kung wala rin lang tapings or shootings. Pero sa ilang beses na siyang na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal), lagi nitong sinasabing for the past many years ng kanyang regular workouts, never daw siyang nag-take ng steroids. The natural way lang daw ng pagdyi-gym ang trip niya.

Ayon sa attending physician ni Polo sa Medical City ay safe naman daw ang sexy actor. Sabi ng ina ni Polo, the earliest day daw na makakalabas si Polo from the hospital ay this Sunday, July 1.



Mataas pa raw ang heart rate at blood pressure ng aktor kaya kailangan pa nito na magpahinga, ang monitoring of blood tests, at iba pang medical treatments.



Earlier that afternoon na na-confine si Polo ay nag-pictorial pa ito sa studio ni Edward dela Cuesta para sa bagong tatag na boyband ng manager niyang si Direk Manny Valera, ang Boyz.com (read as "boyz-dat-com").

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Si Polo ang lead ng all-male group na ito na kinabibilangan din nina Frank Garcia, Gabb Drilon, Alwyn Uytingco, at Joseph Bitangcol. September ang target launching ng Boyz.com.



Nandoon din sa nasabing pictorial ang PEP at wala naman kaming nakitang anumang sign ng dizziness kay Polo. Masaya pa nga itong nakikipagkulitan kina Frank sa dressing room.

Two days bago ang pagkaka-confine ni Polo sa ospital, June 26 (Tuesday) naman ay nag-celebrate pa ito ng kanyang 25th birthday sa Guilly's Island sa Tomas Morato Extension, QC. Dito bumaha ng food and drinks at malaki diumano ang bill na binayaran ni Polo, but he doesn't mind dahil birthday treat daw niya ito for himself.



Kabilang sa well-wishers ni Polo that night ay ang ex-girlfriends na sina Sunshine Dizon at Alessandra da Rossi, among many others.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN